De La Salle University Graduate, Nagbigay ng Tribute Para sa Kaniyang Magulang na Tindera at Security Guard



Marami ang may alam na ang De La Salle University ay isa sa pinaka mahal na unibersidad sa ating bansa. Ngunit ang unibersidad na ito ay hindi lamang eksklusibo para sa mga mayayaman at para din ito sa mga estudyanteng kapos sa pang pinansyal pero karapat dapat na maging estudyante ng unibersidad dahil sa kanilang katangian.

Isang anak ng labandera at security guard ang nabigyan ng pag kakataon makapag aral sa mamahaling unibersidad na ito. Ang kanyang pangalan ay "Reinn", at siya ay isang registered Medical Technologist at isang manunulat ng pop fiction sa Wattpad. Dahil sa kanyang talino at sipag, nabigyan siya ng pagkakataon para makapag aral sa La Salle sa kabila ng kalagayan ng kanyang pamilya. Kahit na pag sama-samahin ang kinikita ng kanyang magulang, hindi parin ito sasapat para bayaran ang kanyang tuition para sa isang semestre sa La Salle.



Sa Twitter thread na ginawa ni Reinn para sa kanyang mga magulang, ibinahagi niya ang pag hihirap ng kanyang pamilya at kung paano siya hinubog ng mga hamon sa buhay upang maging sino siya ngayon. Sinulat niya sa kanyang Twitter account kung paano siya sinuportahan ng kanyang magulang para gawin ang kanyang makakaya upang maabot niya ang kanyang mga pangarap. Dahil sa hirap ng buhay, hindi nakapag tapos ang kanyang mga magulang ng kolehiyo ngunit binigyan naman nila ng leksyon si Reinn kung gaano kahalaga ang makapag tapos ng pag-aaral dahil alam ng kanyang magulang na ang edukasyon lamang ang kanilang mapapamana sa kanilang anak.

Dahil sa sipag niyang mag aral, nag tapos siya ng Salutatorian noong high school at hindi kailanman pumasok sa kanyang isip na makakapag aral siya sa mamahaling unibersidad kagaya ng La Salle dahil hindi sapat ang kinikita ng kanyang magulang. Kahit na siya ay may full scholarship, marami pa ding kailangang bayaran kagaya ng uniporme, pagkain, libro at iba pa. Ngunit napaka swerte ni Reinn dahil binigyan siya ng unibersidad ng mga kakailanganin niya at tinulungan siya ng kanyang tita na mag bayad ng iba pang kelangang bayaran upang siya ay makapag aral. 


Nakapag tapos si Reinn ng pag aaral ngayong taon at isa na siyang Registered Medical Technologist (RMT). Nagawa din niyang makapag publish ng libro na may pamagat na 'Until She Fell In Love' at ibinibahagi din niya na siya ang author na si @secretlychasing sa Wattpad.

Comments

Post a Comment

Popular posts from this blog

Babae Hindi Sinasadyang Mabasag Ang Banga Ng Kanyang Ama Na Naglalaman Ng Limpak-limpak Na Pera

Maine Mendoza, Pinasilip ang Kaniyang mga Assets at Totoong Net Worth

Sila ang Ilan sa mga Kilalang Artista Noon na Nahirapan sa Buhay Matapos Iwanan ang Kanilang Showbiz Career

Isang Kasambahay sa Singapore, Isang Beses Lang Pinapakain Sa Isang Araw ng Kaniyang Amo at Binubuhusan ng Tubig Kung Ito ay Hindi Agad Nagising ng 5 am!

Ganito Pala ang Nakakainspire na Paraan ng Bread Talk Kung Paano Nila Inuubos ang Kanilang Paninda na Hindi Nabenta!