Doctor, Umani ng Papuri Dahil sa Pagkakaroon Lamang ng 100 Pesos Professional Fee




Marami ang nakaka alam na ang mga doctor ay naniningil ng malalaking professional fee (PF) para sa kanilang serbisyo lalo na sa mga pribadong ospital. Makatwiran naman ang nag lalakihang bayad sa mga doctor dahil sila ay sumasagip ng buhay- at ang buhay ay hindi mabibili ng salapi. Nag viral ang isang doctor sa isang pribadong ospital sa Cebu City dahil sa pag singil lamang ng isang daang piso (Php100) para sa kanyang professional fee para sa kanyang pasyente kahit na anim na araw na siyang nasa ospital. Hindi makapaniwala ang mga netizens at naisip nilang baka may billing error lang ito ng clerk at baka nakalimutan lang niya lagyan pa ng dalawang zero ang total amount ng PF ng doctor.




Nag papasalamat ang pamilya ni netizen Febe Jean Oporto sa kanilang anghel na si Dr. Mercedes Mujeres dahil sinagip niya ang buhay ng kanyang nakababatang kapatid at sinigil lamang sila ng napaka liit na halaga para sa kanyang PF. Dahil walang Philhealth account ang kanilang pamilya para mabayaran ang bill sa ospital, kinakailangan nilang mag labas ng malaking halaga para sa anim na araw na lagi sa ospital. Sa kanyang Facebook account, nag bahagi si Febe Jean ng larawan ng kanyang batang kapatid pati na din ang PF ng doktor nito. Walang hangang pasasalamat ni Febe Jean sa doctor.


Nanatili ng anim na araw ang kapatid ni Febe Jean sa Perpetual Succour Hospital, isang pribadong ospital sa Cebu City. Walang medical insurance o PhilHealth ang kanilang pamilya ngunit natagpuan naman niya ang isang doktor na may mabait na puso. Ayon sa Facebook post ng Super Balita, hindi lang PF ang ibinigay niya sa kapatid ni Febe Jean ngunit inalok din siya ng libreng check up pag siya ay nakalabas ng ospital.

Comments

Popular posts from this blog

Foreigner, Ilang Beses Naloko Sa Pinas Ngunit Di Sumuko At Pinagpatuloy Ang Pamumuhay At Paghahanap Buhay Dito

Ganito Pala ang Nakakainspire na Paraan ng Bread Talk Kung Paano Nila Inuubos ang Kanilang Paninda na Hindi Nabenta!

Babae Hindi Sinasadyang Mabasag Ang Banga Ng Kanyang Ama Na Naglalaman Ng Limpak-limpak Na Pera

Netizens Naawa At Tinulungan Ang Isang Vendor Na Na-impound Ang Motor Na Ginagamit Niyang Panghanap-buhay

Isang Basurero Nakapulot Ng Kalahating Milyon Sa Basura Isinauli Sa May-ari At Nakatanggap Ng Pabuya