Estudyanteng Walang Notebook At Nagsusulat Lamang Sa Dahon Ng Saging, Pinuri At Hinangaan



Marami sa mga kabataang nagmula sa mahirap na pamilya ang nakakapag-aral ngunit wala silang gamit pang-eskwela tulad ng uniporme, lapis, libro, at notebook. Ngunit isa ito sa mga kailangan ng mga mag-aaral dahil ito ang kanilang laging ginagamit araw-araw.

Marami sa mga kabataan ang pumapasok na walang notebook dahil walang pambili ang kanilang pamilya, ngunit ang isang batang ito na mula sa Lianga National Comprehensive High School sa Poblacion, Lianga, Surigao del Sur ang nagpahanga hindi lamang sa kanyang guro kundi pati ang mga netizens.

Imbes na hindi siya magsulat dahil wala siyang notebook ay nagdala na lamang siya ng dahon ng saging sa eskwela at doon niya isinulat ang mga lectures ng kanyang guro.

Sa Facebook post ng kanyang guro na si Arcilyn Balbin Azarcon Lpt ay ibinahagi niya ang kanyang estudyante na nagsulat sa dahon ng saging.

Ayon kay Azarcon ay sinabihan niya ang kanyang mga estudyante na kunin ang kanilang mga notebook at kopyahin ang mga lesson na nasa kanilang pisara. Matapos magsulat ang guro ay umikot-ikot ito sa klase upang icheck kung nagsusulat nga ang kanyang mga estudyante.

At nakita niya na ang isa nga sa kanyang estudyante ay nagsusulat lang sa dahon ng saging. Nang matapos magsulat ang mga ito ay isa-isa nilang pina-check sa kanilang guro ang kanilang mga notebook. At ang nasabing bata ay ibinigay rin ang dahon ng saging na kanyang pinagsulatan sa kanyang guro upang ito ay kanyang ma-check at magkaroon siya ng puntos.

Nagbigay ng isang paalala si Azarcon sa iba pang mga estudyante,

"Lesson Learned:

To all the students who have notebook: Please, do EXERT AN EFFORT TO WRITE, instead of taking pictures. Or else (21st century naman daw) take a picture but don't forget to WRITE it on your notebook."

Naging gawain na kasi ng mga estudyante sa panahon ngayon na pinipicturan na lang ang mga lectures na nasa blackboard imbes na isinusulat ito sa kanilang mga notebook. Sa paraang ito ay nagiging tamad na kasi ang mga estudyante. Iba pa rin kasi kapag sarili mong sulat dahil mas makakatulong ito na mas maintindihan mo pa ang inyong pinag-aaralan.

Source: Facebook

Comments

Popular posts from this blog

Pinoy Matapang Na Ipinagtanggol Ang Isang Delivery Man Dahil Sa Ginawa Ng Isang Babaeng Chinese

Tumangging Isakay ang Isang Pamilya ng mga Aeta ng Isang Kilalang Bus Line na Ito Noong Bago Mag-Pasko

Hinalungkat ng mga Crew ang Basurahan ng Restaurant na Ito Matapos Mawala ng Customer ang Kaniyang Singsing

Isang Ama Hindi Mabilhan Ng Bagong Bag Ang Kanyang Anak, Sa Halip Pinagtahi Niya Ito Na Kinamangha Ng Mga Netizens

Tinulungan Ng Mga Netizens Ang Isang Tatay Na Nagtitinda Ng Okra At Nakatira Lamang Sa Isang Tricycle Sa Bangketa