Guro Nalungkot Dahil Hindi Na-Appreciate Ng Kanyang Mga Estudyante Ang Munting Regalo Niya Sa Kanila


'It's the thought that counts ika nga.' Pero imbes na matuwa at magpasalamat na lamang ay ikinadismaya pa ng isang guro ang naging reaksyon ng kanyang mga estudyante matapos niya itong regaluhan ng mga keychains para sa Pasko.

Tuwing sasapit na ang kapaskuhan ay nais ng ilan na makapagbigay ng kahit simple at maliit na regalo sa mga taong malapit sa kanilang puso. Simbolo kasi ito ng pasasalamat o di kaya ay pagtanggap na naging parte sila ng kanilang buhay. 

Pero ang isang guro na nakilala bilang si Kathlene Jane Mendoza ay naglabas na lamang ng hinanakit dahil hindi na-aappreciate ng kanyang mga estudyante ang kanyang munting regalo sa kanila.

Ayon kay Teacher Kathlene ay gusto niya talagang bigyan kahit simpleng regalo ang kanyang klase na Grade 7 Humility bilang simbolo ng kanyang pagmamahal sa kanyang mga estudyante. Ngunit ang ilan sa kanyang mga kaibigan ay hindi na sang-ayon sa ideya niyang iyon dahil puro sakit lang ng ulo ang inaabot niya roon.

Ngunit itinuloy niya ang kanyang ideya dahil malapit na rin naman ang Pasko. 

Wika ng guro,

"I prepared these keychains two weeks before Christmas Party. I wanted to give them a gift as a sign of my love for them. My friend made these keychains possible for me. Yung iba nagtaka pa, kasi bakit ko pa nga daw bibigyan sila ng regalo eh sakit sila sa ulo, lalamunan. But still I want to give it."

Makikita na pinagtuonan talaga ng oras ang pag-gawa sa mga keychains lalo na't pina-customized niya ito na kung saan ang section ng kanyang klase ay nakalagay at sa likod nito ay ang kanilang larawan.

Noong mismong araw ng kanilang Christmas Party ay ibinigay na niya isa-isa sa kanyang mga estudyante ang mga keychains, may ilan naman na nagpasalamat.

Ngunit ang hindi niya makakalimutang nangyari ay noong sabihin ng kanyang mga estudyante na,

"Cher, ito lang regalo mo samin? Kaya din namin bumili nito eh!"

Lubos itong ikinalungkot at ikinadismaya ni Teacher Kathlene dahil imbes na matuwa sila sa kanyang regalo ay minaliit lang nila ito. 

Dagdag pa ng guro,

"And then I realized, no matter what you do for them, if they think it's not enough it will never be enough. You know what's funny? I really expected that they would appreciate but it turns out that they did not."

Comments

Popular posts from this blog

Netizen Naawa At Tinulungan Ang Isang Lalaking Nag-order Lang Ng Isang Cup Ng Kanin At Tubig Sa Isang Fastfood Chain

Ninang Sa Binyag, Sapilitang Pinapabayad Sa Kanya Ang 3 Layer Cake At Mga Cupcake Ng Inaanak

Bata Naka-order Ng 42 Pirasong Chicken Fillet At Fries Dahil Sa 'Internet Connection Error'

Bagong Kasal, Sinabitan Ng Kapa Na Gawa Sa Pera Na Nagkakahalagang Php100k, Sana All!

Ito ang Benepisyo ng Paglagay ng Sibuyas sa Loob ng Medyas sa Paa na Dapat Ninyong Subukan!