Hinangaan Ang Masipag Na Batang Nagtitinda Ng Tinapa Para Lang Masuportahan Ang Kanyang Ama At Sarili


Tunay talagang nakakainspire ang mga tao na pinagpapatuloy pa rin nila ang laban sa buhay kahit na sila ay nasa mahirap na estado. Kahit na ilang pagsubok ang kanilang dinaranas ay buo pa rin ang kanilang determinasyon para mabuhay at tumulong sa kanilang pamilya.

Isang bata na nakilala bilang si Lance Abarquez na taga Gawad Kalinga sa Sta. Ana ang hinangaan ng mga netizens dahil sa kanyang kasipagan. Nakita ng mag-ina na sina Agnes at Jewel Rashia ang bata na nagtitinda ng mga tinapa sa mga customers sa isang fast food chain. 

Wika ng ina na si Agnes sa kanyang anak,

"Anak, tignan mo yung bata oh, nagtitinda ng tinapa tapos kayo puro hingi lang ng pera."

Matapos ng ilang sandali ay umakyat si Lance sa ikalawang palapag ng establisyemento upang bentahan ng tinapa ang mag-ina. Napahanga ng bata ang mag-ina dahil sa kanyang kahusayan sa pagbebenta.

At doon ay nakausap ng mag-ina ang bata at nalaman nila na kaya niya ginagawa ang pagbebenta ng tinapa ay para masuportahan ang kanyang ama na may sak!t at para na rin may pangtustos siya sa kanyang pag-aaral.

Inako na ni Lance ang resposibilidad na iyon sa kanilang pamilya dahil wala na rin ang kanyang ina. 

Tuwing walang pasok at pagkatapos ng pumasok sa eskwela ay bitbit na ni Lance ang kanyang mga panindang isda upang kumita ng extra. Sa kanyang payat na katawan ay buhat-buhat na niya ang kanyang mga panindang tiyak na mabigat.

Nagiwan ng isang paalala si Jewel sa mga kapwa niyang kabataan,

"Hi Lance! Kung makakarating man to sayo, napakaswerte ng papa mo at meron siyang masipag at mapagmahal na anak kagaya mo.

Kaya sa ibang kabataan diyan maging aral sana to sa inyo na hindi madali ang buhay, hindi madaling kumita ng pera kaya wag lang kayo puro 'Ma/Pa penge pera' sa magulang niyo matuto din kayong dumiskarte dahil hindi niyo alam yung paghihirap ng magulang natin mabigyan lang tayo ng magandang buhay."

Comments

Popular posts from this blog

7 Celebrities Who Were Romantically Linked to Vic Sotto Before He Married Pauleen Luna

Ibinahagi Nina Maine Mendoza at Arjo Atayde ang Pagdiriwang ng Kanilang First Anniversary Bilang Magkasintahan

Wala Talagang Iwanan! Si Bantay At Muning Kasama Sa Paglilipat Ng Bahay

Dating Aktres na si Thalia na Gumanap na Marimar, Ito na ang Buhay Niya Ngayon! Maganda Pa rin at Walang Pinagbago!

Maswerte ang Housemaid ni Pia Guanio Dahil Isinasama Ito sa Ibang Bansa at Ipinag-aral pa Ito ng Aktres ng Cooking Class