Hindi Napigilan ng Lola na Umiyak Matapos Mag-boluntaryo ang 45 na Katao Para Ayusin ang Kaniyang Tagpi-tagping Bahay




Ang mga matatanda ay minsang namuhay sa ating mundong ginagalawan kagaya ng ating ginagawa sa kasalukuyan at silang lahat ay may kanya-kanyang naging kontribusyon sa mundo. Kaya naman, ngayong sila ay hindi na kasinlakas tulad noong dati ay inaalagaan natin sila at binibigyan ng mga pribiliheyo upang makatulong sa kanilang pang-araw araw na pamumuhay. 

Sa panahon ngayon, bibihira na rin ang mga taong umaabot sa edad 80 at pataas dahil sa pagkakaroon ng iba’t-ibang karamdaman resulta na rin ng ating nakaugaliang paraan ng pamumuhay na nagsasanhi ng maagang pagpanaw.


Ang mga bansa sa bandang silangang Asya ay kabilang sa mga lugar kung saan mayroong mataas na porsiyento ng mga matatanda at sa katunayan, ang Taiwan ay nalalapit nang mapabilang sa mga listahan ng “super-aged societies” dahil sa taong 2025 ay malamang tumaas pang lalo ang bilang ng kanilang mga matatanda ng 20 porsiyento. 

Ang gobyerno ay kadalasang may nakalaan na pondo para sa pagbibigay suporta sa mga senior citizens ngunit sa kasamaang palad ay hindi lahat nakakakuha ng ganitong benepisyo.



Isang matandang babae sa isang village sa may Pingtung County, Taiwan ang natagpuan ng isang grupo ng mga boluntaryo na nakatira sa isang bahay na mukhang anumang oras ay magigiba na.


Napag-alaman nila na ang matanda ay 45 na taon na sa tinutuluyan nito at dala na rin ng mga dumaang malalakas na buhos ng ulan at hangin ay marupok na ang mismong bahay. Gustuhin man nitong lumipat o ipagawa ang nasisira nitong bahay ay hindi nito magawa dahil salat rin ito sa pera, kaya naman pinagti-tiyagaan na lamang nito kung ano ang mayroon ito sa ngayon. 


Naantig ang puso ng mga nag-boluntaryo kaya naman nagdesisyon silang tulungan ang matanda sa kalunos-lunos nitong kalagayan.


Ang grupo ay kinabibilangan ng mga propesyonal at mga boluntaryo na nagtutulong-tulong sa paggawa ng mga tirahan para sa mga nangangailangan kaya naman alam na ng mga ito ang gagawin. 


Hindi nila tinitipid ang mga materyales dahil nais nilang siguruhin na ang mga bahay na kanilang gagawin ay matibay at mananatiling nakatayo kahit pa ilang bagyo ang dumaan. 




Ang mga bahay na ito ay kumpleto na dahil kinakabitan rin nila ito ng mga tubo para sa tubig, pati na ang para sa kuryente at iba pang mga pangangailangan sa araw-araw.


 Ganito mismo ang bahay na ginawa nila para sa matanda at nang matapos nga ay labis-labis ang kagalakan at pagpapasalamat nito sa grupo. Ngayon ay hindi na nito kailangan pang mag-alala tuwing nagbabadya ang masamang panahon dahil siguradong ligtas ito sa loob ng bagong tirahan.

Comments

Popular posts from this blog

Foreigner, Ilang Beses Naloko Sa Pinas Ngunit Di Sumuko At Pinagpatuloy Ang Pamumuhay At Paghahanap Buhay Dito

Ganito Pala ang Nakakainspire na Paraan ng Bread Talk Kung Paano Nila Inuubos ang Kanilang Paninda na Hindi Nabenta!

Babae Hindi Sinasadyang Mabasag Ang Banga Ng Kanyang Ama Na Naglalaman Ng Limpak-limpak Na Pera

Netizens Naawa At Tinulungan Ang Isang Vendor Na Na-impound Ang Motor Na Ginagamit Niyang Panghanap-buhay

Isang Basurero Nakapulot Ng Kalahating Milyon Sa Basura Isinauli Sa May-ari At Nakatanggap Ng Pabuya