Imahe Ni Jesus Lumitaw Sa Isang Pader Sa Davao Oriental, Netizens Pinuntahan Upang Makita Ito


Mayroong mga bagay-bagay na nalilikha ng ating mapaglarong imahinasyon. Minsan ang ating utak ang nagdidikta kung ano ang nais nating makita. Mayroong mga pagkakataon na mas nangingibabaw ang ating iniisip kaysa sa ating nakikita. 

Katulad na lamang ng paglabas ng mga imahe kuno ng ating Panginoon sa mga bagay bagay. Mayroong mga napabalita noon na bigla na lamang lumabas ang imahe ni Hesus sa ulap, sa kahoy, sa pader, at sa kung anu-ano pang bagay o lugar. Mayroong naniniwala na ito ay may kahuluguan, ngunit para sa ilan ay wala naman.

Dinagsa ng mga tao ang isang pader na katabi ng isang kanal sa Purok Lawaan sa Barangay Don Aurelio Chicote sa Governor Generoso sa Davao Oriental dahil sa diumano na paglitaw ng imahe raw ni Hesus.

Isang babaeng residente ang unang nakakita nito habang siya ay naglalakad at nakita niya na tila parang may mukha ni Hesus sa pader. Nagulat at napasigaw ito kaya niya tinawag ang kanyang ipinakita sa kanyang mister at tinanong kung mayroon ba itong kahulugan.

Dahil maraming sinapit na kalamidad ang ating bansa ngayon taon lalo na sa lugar ng Davao ay naniniwala ang mga residente doon na isa itong himala. 

Kung titignang mabuti ang larawan ay tila parang may parteng basa lamang ang pader na sinasabing imahe raw ni Hesus. Ngunit para sa ilan na naniniwalang ito ay isang milagro ay nabigyan na nila ng ibang kahulugan.

Ang mga netizens na dumagsa sa lugar ay nagsindi pa ng kandila at nag-alay ng mga bulaklak noong mismong araw ng pasko, December 25, 2019.

Ayon naman sa Simbahang Katolika ay magsasagawa sila ng imbestigasyon tungkol dito kaya wala pang balak ang mga residente doon na ipagiba ang naturang pader.

Kanya-kanya namang opinyon ang mga netizens tungkol rito. Mayroong naniniwala na ito ay milagroso, mayroon naman hindi. Ngunit ang mas importante ay hindi dapat tayo mawalan ng pananampalataya sa Panginoon at huwag agad maniniwala sa mga bagay-bagay na maaaring likha lamang ng ating imahinasyon.

Source: Facebook

Comments

Popular posts from this blog

7 Celebrities Who Were Romantically Linked to Vic Sotto Before He Married Pauleen Luna

Ibinahagi Nina Maine Mendoza at Arjo Atayde ang Pagdiriwang ng Kanilang First Anniversary Bilang Magkasintahan

Maswerte ang Housemaid ni Pia Guanio Dahil Isinasama Ito sa Ibang Bansa at Ipinag-aral pa Ito ng Aktres ng Cooking Class

Pinoy Celebrity stars in their 30's: How They Looked 10 Years Ago

Dating Aktres na si Thalia na Gumanap na Marimar, Ito na ang Buhay Niya Ngayon! Maganda Pa rin at Walang Pinagbago!