Ina Na "No Read, No Write" Nag-enroll Sa Eskwela At Naging Kaklase Pa Ang Grade 1 Na Anak



Wala namang sinasabi na kapag matanda ka na ay hindi ka na pwedeng mag-aral. Hindi pa huli ang lahat upang simulan mo ang pag-abot ng iyong mga pangarap. Habang mayroong pagkakataon ay dapat mo itong sunggaban dahil malay natin na ito na pala ang daan mo para sa pag-asenso.

Isang ina na taga Marinduque, na "No Read, No Write" na nakilala bilang si Nanay Monalisa ang nagpahanga sa karamihan dahil sa kanyang determinasyon na matuto at mag-aral kahit na pa siya ay may edad na. 

Sa edad niya ay hindi siya marunong magbasa o sumulat. Ni hindi rin niya alam ung paano isulat ang kanyang buong pangalan at walang kaide-ideya kung ilang taon na siya dahil hindi niya rin alam kung anong taon siya ipinanganak. 

Noong bata siya ay hindi siya nakapag-aral dahil minabuti ng kanyang magulang na sa bahay na lamang siya dahil siya ay nagkaroon ng p0li0 at hindi siya makalakad. 

Noong malaman ng isang guro na si Darwin Pilar ang naging sitwasyon ni Nanay Monalisa ay binigyan niya ito ng lakas ng loob upang siya ay mag-enroll at mag-aral. Mabuti na lamang dahil ang asawa ni Nanay Monalisa ay supportado naman sa kanyang pag-aaral.

Kung ang ilan ay iniisip na nakakahiya nang mag-aral dahil nagkaka-edad na, si Nanay Monalisa ay determinado pa ring matuto lalo na't kaklase pa niya sa Grade 1 ang kanyang anak na si Norelyn.

Masaya naman ang kanyang anak dahil araw-araw niyang kasama ang kanyang ina lalo na't sabay silang natuto sa eskwelahan. Kung nahihirapan man si Nanay Monalisa sa pagsusulat at sa kanilang mga leksyon ay handa rin naman siyang tulungan ng kanyang anak.

Matapos na mag-viral ang post ni Mr. Pilar sa social media ay maraming netizens ang nag-abot ng tulong sa kanila at sa kanilang paaralan Sa Tarug Elementary School sa Mogpog, Marinduque.

Nainspire naman ang mga netizens sa determinasyon ni Nanay Monalisa na makapag-aral at makapagbigay ng magandang buhay para sa kanyang pamilya.

Source: Facebook

Comments

Popular posts from this blog

Tumangging Isakay ang Isang Pamilya ng mga Aeta ng Isang Kilalang Bus Line na Ito Noong Bago Mag-Pasko

Isang Ama Hindi Mabilhan Ng Bagong Bag Ang Kanyang Anak, Sa Halip Pinagtahi Niya Ito Na Kinamangha Ng Mga Netizens

Lalaki Natagpuan Ang Napakaraming Pera Sa Gilid Ng Pinto Ng Kanyang 2nd Hand Na Kotse

Tawang-tawa Ang Amo Sa Kanyang Alagang Aso Matapos Matagpuan Ang Isang Pustiso Sa Kanilang Bakuran

Tinulungan Ng Mga Netizens Ang Isang Tatay Na Nagtitinda Ng Okra At Nakatira Lamang Sa Isang Tricycle Sa Bangketa