Inaanak Nakatanggap Ng Foreign Money Sa Kanyang Ninong, Hindi Inakala Na Ganito Ang Halaga



Naging tradisyon na tuwing pasko na mamasko ang mga inaanak sa kanilang mga ninong at ninang. Ang ilan ay nagbibigay ng mga regalo, ang ilan naman ay aguinaldo at kung wala talaga ay simpleng pagbati na lamang. 

Ngunit kahit na ano pa man ang ibigay sa atin malaki o maliit man ang halaga nito, marapat na lang na tayo ay magpasalamat. Dahil kahit papaano ay naalala tayo ng ating mga mahal sa buhay. 

Ang netizen na si George Ivan Domingo ay ibinahagi sa kanyang Facebook post ang kanyang munting aguinaldong natanggap niya sa kanyang ninong na isang seaman. 

Caption ni Domingo,

"Binigyan ako ni ninong kong seaman ng pamasko. Akala ko ikayayaman ko na eh."

Nang buksan ni Domingo ang ampao ay laking gulat niya dahil mayroong itong laman na 50,000 Venezuelan Bolivares. Ngunit nang iconvert niya ang foreign currency sa Philippine peso ay hindi niya inaasahan na ang halaga lamang nito ay Php 53.62.

Akala pa man din ni Domingo na dahil malaki ang halagang nakasulat sa pera ay malaki rin ang halaga nito, iyon pala ay nasa singkweta pesos lamang ito.


Samantala, umani naman ang post ni Domingo ng iba't ibang komento sa mga netizens. At narito ang kani-kanilang reaksyon tungkol dito.

"Lugi pa sa pamasahe sa palitan. haha"

"Tago mo yan. Mataas kasi ngayon ang inflation rate sa bansa nila. Dati isa sila sa pinakamayamang bansa pagdating sa langis."

"Wag ng mag reklamo at least may binigay."

"Kaya sa mga inaanak be smart pag bigay ng foreign currency wag basta basta tanggap iconvert niyo muna haha."

"Yaan mo na lang ang importante galing sa puso."

"Wag niyo muna papalitan saka na pag naayos na yung crisis sa bansa nila."

Ayon sa mga ulat ay nakakaranas ang bansang Venezuela ng malaking krisis kaya naman nagkaroon ng hyperinflation at bumaba ang halaga ng kanilang pera.

Source: Facebook

Comments

Popular posts from this blog

Lalaki Natagpuan Ang Napakaraming Pera Sa Gilid Ng Pinto Ng Kanyang 2nd Hand Na Kotse

Tawang-tawa Ang Amo Sa Kanyang Alagang Aso Matapos Matagpuan Ang Isang Pustiso Sa Kanilang Bakuran

Nakatuklas Ang Lalaking Ito Ng Higit 2Milyong Dolyar Na Ancient Treasure Na Mula Pa Sa Mga Ancient Vikings

Sari-Sari Ang Naging Komento Tungkol Sa Larawang Ito Dahil Sa Pagkakasalansan Ng Mga Hollowblocks Sa Isang Bahay

Magandang Foreigner Na-inlove Sa Isang Pinoy Tricycle Driver At Ngayon Ay Kanya Nang Asawa