Isang Babaeng Nanlilimos High Tech Na Ang Paraan Ng Panlilimos Dahil Gumagamit Na Ng QR Code



Dahil sa sobrang high tech na ang ating mundo ngayon, marami na ang nagsisilabasang mga paraan upang mas mapadali ang ating mga iba't ibang mga transaksyon. Halimbawa, kung noon ay kailangan mong pumunta muna sa bangko upang makawithdraw o makapag-transfer ng pera. Ngayon ay nauso na ang mga cashless transactions at online fund transfers.

At isa na ngang ginagamit bilang alternatibong pambayad o pagtransfer ng pera ay ang mga Quick Response code o in short QR codes na maaaring mabasa gamit lamang ang cellphone. Ang QR code payment ay isang contactless payment method na kung saan ang paraan ng paglilipat ng pera ay sa pamamagitan lamang ng pag-scan ng code gamit ang mobile app.

Kaya naman laking gulat ng isang netizen na nagbahagi ng istorya ang isang babaeng namumulubi sa China na gumagamit na rin ng QR code upang makapaghingi ng limos.

Kwento ni Fazil Irwan sa kanyang Facebook post na mayroong isang matanda na nanghihingi ng limos sa kanila ngunit sinabi nila na wala silang cash na dala. Pero sagot ng matanda na ayos lang dahil maaari naman silang makapagtransfer ng pera gamit ang WeChat at mayroong pa itong dala-dalang QR Code. 

Kahit sino naman na kasi ngayon basta mayroong email account at cellphone ay maaari ng makagawa ng online account.

Kwento ni Irwan sa kanyang caption,

"In my previous post, I spoke about how almost everything is transacted through WeChat in China. It so happened that some of our friends went for dinner and a beggar on the road asked for money. One of our friends told the beggar that she didn't have cash. The beggar said it's ok, you can pay through WeChat. And that's what she did."

Sa bandang huli ay nagtransfer na nga lamang ang isang kaibigan ni Irwan gamit ang cashless transacstion sa kanyang mobile phone.

Nakakagulat na lang din na kahit ang mga nanghihingi ng limos ngayon ay lumelevel-up na rin at hindi lang iyon, high-tech na rin sila ngayon!

Source: Facebook

Comments

Popular posts from this blog

Babae Hindi Sinasadyang Mabasag Ang Banga Ng Kanyang Ama Na Naglalaman Ng Limpak-limpak Na Pera

Maine Mendoza, Pinasilip ang Kaniyang mga Assets at Totoong Net Worth

Sila ang Ilan sa mga Kilalang Artista Noon na Nahirapan sa Buhay Matapos Iwanan ang Kanilang Showbiz Career

Isang Kasambahay sa Singapore, Isang Beses Lang Pinapakain Sa Isang Araw ng Kaniyang Amo at Binubuhusan ng Tubig Kung Ito ay Hindi Agad Nagising ng 5 am!

Ganito Pala ang Nakakainspire na Paraan ng Bread Talk Kung Paano Nila Inuubos ang Kanilang Paninda na Hindi Nabenta!