Isang Estudyante Inabot ng 9 Years at Bumagsak ng 9 na Beses sa Kolehiyo, Ngayon ay Nag Top 9 sa Board Exam




Ang pag-aaral sa kolehiyo ay hindi lamang mahirap, ito ay sadyang napaka-gastos pa. Maraming kabataan ang hindi pinalad na makatungtong rito at hindi rin lahat ay kinakayang makapagtapos, kaya naman maituturing na malaking achievement ang makaakyat sa entablado at makakuha ng diploma. Ang ilan sa mga ito ay kinakailangan pang magtrabaho upang may magamit para sa mga gastusin sa pag-aaral at isang halimbawa rito si Christian “Ichan” Arranz.

Si Christian ay nag-trending sa social media matapos nitong mag-top 9 sa Mining Engineering board exams nitong nakaraang Agosto. Hinangaan ito ng mga tao lalo pa noong malaman na ito ay gumugol ng 9 na taon sa kolehiyo dahil kinailangan nitong pagsabayin ang pag-aaral at pagtatrabaho para lamang makapagtapos.




Hindi naging madali para rito ang magbalanse ng oras kaya naman bumagsak rin ito o kaya nag-drop ng 9 na beses sa kaniyang mga klase. Ngunit gayun pa man, hindi ito nagpatinag sa lahat ng mga pagsubok at pinili nitong patuloy na lumaban.

Ayon kay Christian, kahit matapos nitong grumaduate ay kinailangan pa rin nitong patuloy na magtrabaho para suportahan ang sarili at matulungan ang pamilya. Pumapasok ito sa review classes nito tuwing weekdays sa University of the Philippines kung saan ito mismo nagtapos, at dumidiretso naman sa trabaho hanggang gabi na. 


Maliban pa roon, nagtuturo rin ito sa mga estudyanteng nasa Senior High School tuwing sabado at linggo para matulungan ang mga ito na makapasok sa mga unibersidad na nais nilang pasukan para sa kolehiyo. 




Dala ng labis na kapaguran sa araw-araw, dumaan rin umano ang binata sa depresyon. Ilang beses na itong muntik mawalan ng pag-asa lalo pa’t sobrang inaalala nito kung sapat ba ang panahong naibibigay nito para makapag-review at makapaghanda para sa exam. Ngunit hindi niya ito hinayaang maging hadlang sa pag-abot niya sa kaniyang mga pangarap, kaya naman mas sinipagan na lamang nito at noong lumabas na nga ang resulta ng board exams, hindi lamang ito pumasa kundi pumasok pa sa listahan ng mga nanguna sa exams. 


Sa post nito sa social media ay pinasalamatan niya ang lahat ng mga tumulong sa kaniya habang siya ay nakikibaka. Umaasa rin ito na sana’y magsilbing inspirasyon ang kanyang kwento sa mga estudyante upang magsumikap ang mga ito lalo sa pag-aaral. Sa kasalukuyan ay isa ng full-time faculty teacher si Christian sa isang unibersidad.

Comments

Popular posts from this blog

Tumangging Isakay ang Isang Pamilya ng mga Aeta ng Isang Kilalang Bus Line na Ito Noong Bago Mag-Pasko

Isang Ama Hindi Mabilhan Ng Bagong Bag Ang Kanyang Anak, Sa Halip Pinagtahi Niya Ito Na Kinamangha Ng Mga Netizens

Tinulungan Ng Mga Netizens Ang Isang Tatay Na Nagtitinda Ng Okra At Nakatira Lamang Sa Isang Tricycle Sa Bangketa

Pinoy Matapang Na Ipinagtanggol Ang Isang Delivery Man Dahil Sa Ginawa Ng Isang Babaeng Chinese

Lalaki Natagpuan Ang Napakaraming Pera Sa Gilid Ng Pinto Ng Kanyang 2nd Hand Na Kotse