Isang Lalaki, Nagtrabaho Bilang Kargador Para may Maibigay na Regalo sa Kaniyang Minamahal




Sabi nga nila, "actions are better than words alone" at mas lalo mong mapapatunayan na mahal ka ng isang tao kung nakikita mo rin sa kanilang kilos ang mga salitang sinasabi nila sa iyo. Ang karamihan nga sa mga kababaihan ay mas gusto ang mga lalaking talaga namang kinakikitaan nila ng sipag at pagpupursigi sa buhay kaysa sa mga lalaking panay lang ang pagsuyo sa kanila sa pamamagitan ng pagpapa-pogi o di kaya naman ay mabulaklak na mga salita.

Isa na nga sa mga babaeng ito si Jezyll Cabudbud na kamakailan lang ay ibinahagi sa social media kung gaano siya ka-swerte sa lalaking napili niyang makasama.


Pauwi na siya noon galing sa paaralan nang maisipan niyang bisitahin ang kasintahan na si Steven San Juan sa sinasabi nitong 'part-time job' niya. Gusto niya rin itong sorpresahin lalo na at alam niyang magiging maganda ang araw nito masilayan lang ang kaniyang mukha.




"From school pinuntahan ko sya sa sinasabi nyang raket daw nya para kamustahin sya kase for sure pag nasilayan ako non buo na agad araw non and sigurado ako na matutuwa yon," pagkukwento ni Jezyll.



Natagpuan niya nga ang lugar kung saan nagtatrabaho ang binata ngunit siya pa ang nasorpresa nang makita niyang nagbubuhat ito ng mga sako ng semento at madumi ang suot na damit. Hindi niya kasi inaasahan na magbabanat ito ng buto lalo na at hindi naman nila kailangan ang malaking halaga ng pera. Agad niya itong nilapitan at sa kalagitnaan ng kanilang pag-uusap ay naitanong niya kung bakit nagdesisyon itong magkaroon ng 'part-time job.'





"Para sayo para sa birthday mo, pinag iipunan ko kasi yon para kapag dumating yung araw nayon may maibigay manlang akong regalo sayo miski simple lang," nakangiting tugon sa kaniya ni Steven.


Hindi na nga nakapagsalita pa si Jezyll sa sobrang kilig at di matawarang kaligayan nang malaman na para sa kaniya ang ginagawang paghihirap ng kaniyang kasintahan na si Steven. Dahil nga dito ay mas lalo niyang napatunayan kung gaano siya kamahal nito at ibinahagi sa social media ang pangyayari para na rin magsilbing magandang halimbawa sa mga netizens na mayroon ding ka-relasyon.



"...sobrang swerte ko sa taong to hindi man sya yung lalaking pinaka perpekto sa mundo sya naman yung taong kayang ibigay lahat ng makakaya nya maparamdam lang sayong mahal ka nya. hindi kagaya ng iba na puro papogi , at puro pasarap lang kaya girls if you have already that kind of man keep nyo sila limited edition nalang sila nagkaka ubusan na hehe just saying love love," dagdag pa ni Jezyll.

Comments

Popular posts from this blog

Nagulat Ang Bride Matapos Magpakita Ang Dating GF Ng Kanyang Mapapangasawa Sa Mismong Araw Pa Ng Kanilang Kasal

Dahil Sa Pusa, Nabunyag Ang Tinatagong Sikreto Ng Mister Sa Kanyang Misis

Isosorpresa Dapat Ng Lalaking Ito Ang Kanyang Nobya Sa Kanyang Birthday, Pero Mas Nasorpresa Siya Nang Mahuli Niyang May Kayakap Itong Iba

Imbes Na Masaya Ay Mas Nalungkot Ang Lalaking Ito Sa Araw Ng Kanyang Graduation

Foreigner, Ilang Beses Naloko Sa Pinas Ngunit Di Sumuko At Pinagpatuloy Ang Pamumuhay At Paghahanap Buhay Dito