Isang Linggo Lamang Nakaparada ang Motor na Ito Pero Pinugaran Agad ng Ibon!



Ang mga hayop sa ating kapaligiran ay malaking tulong upang mapanatili ang kaayusan ng ating pamumuhay. Bawat isa sa kanila ay mayroong kani-kaniyang kontribusyon sa tinatawag nating ‘food chain’ kaya naman mahalaga sila sa ating kapaligiran. Nakakalungkot lang isipin na sa paglipas ng panahon at paglago ng teknolohiya ay unti-unting nababawasan ang bilang nila na siyang nagdudulot rin ng pagkasira ng balanse sa buhay ng mga tao. 

Isa sa mga importanteng hayop na ito ay ang mga ibon na ngayon ay madalang nalang nating makitang malayang lumilipad sa mga himpapawid. Hinuhuli at ibinebenta kasi ang ilan sa kanila para pagkakitaan kaya naman mas pinipili nilang tumago sa lugar kung saan sila ay ligtas. 

Kaugnay nito, isang nakakatuwang pangyayari ang ibinahagi ng netizen patungkol sa isang ibon na piniling gumawa ng pugad sa kaniyang nakaparadang motor sa halip na sa sanga ng isang puno! 

Halos isang linggo na ring hindi nagagamit ng lalaki ang kaniyang motor at hindi niya inaakalang mayroong kakaibang mangyayari dito dahil madalas niya naman itong iwanan sa gilid ng kanilang tahanan. 




“I have not ridden my motorcycle for just a week but this was what happened!” pagkukwento ng lalaki. 

Nagulat siya nang pagsakay niya dito ay may nakita siyang pugad na may lamang mga itlog sa ilalim ng lalagyan ng susi. Mayroong maliit na butas sa bahaging ito ng motorsiklo at kapansin-pansin na naipon doon ang mga tuyong dahon na nalaglag sa mula sa puno. 




Pinagmasdang mabuti ng may-ari ang pugad pati na rin ang apat na pirasong itong sa loob nito. Mukhang malapit na itong mapisa kaya naman nagdesisyon siyang hindi muna gamitin ang sasakyan para na rin sa kapakanan ng mga ibon. Kung sakaling tatanggalin niya kasi ang pugad mula sa motorsiklo ay maaring mayroong hindi magandang mangyari sa mga itlog o di kaya naman ay hindi na sila makita pang muli ng inahing ibon. 

Maraming netizen ang natuwa sa ginawang aksyon ng lalaki at ang ilan sa kanila ay nagsabing marahil ang pangyayaring ito ay dulot ng kakulangan ng mga puno sa ating paligid. Samantala sa tingin naman ng iba ay naisipan ng ibon na ligtas ang kaniyang mga itlog sa maliit na butas ng motorsiklo dahil hindi ito pangkaraniwan sa mata ng mga tao. 

Comments

Popular posts from this blog

Nakatagpo Ang Isang Lalaki Ng Isang Kakaiba At Higanteng Hugis Na Itlog Sa Kanyang Lupain

Dahil Sa Pusa, Nabunyag Ang Tinatagong Sikreto Ng Mister Sa Kanyang Misis

Foreigner, Ilang Beses Naloko Sa Pinas Ngunit Di Sumuko At Pinagpatuloy Ang Pamumuhay At Paghahanap Buhay Dito

Imbes Na Masaya Ay Mas Nalungkot Ang Lalaking Ito Sa Araw Ng Kanyang Graduation

Naawa Ang Isang Netizen Sa Isang Matanda Na Inabot Na Ng Hating Gabi Sa Pagtitinda