Isang Napakabuting Doktor, Libreng Pinagaling ang mga Mata ng Mahigit na 100,000 na Katao sa





Ang pagkakaroon ng malusog na mga mata ay mahalaga sa bawat isa sa atin lalo na at malaking tulong ito sa ating pangaraw-araw na gawain. Ito rin ang siyang nagsisilbing instrumento upang makita natin ang kagandahan ng kapaligiran maging ng mga mahal natin sa buhay. Ngunit ayon sa survey na ginawa ng World Health Organization (WHO), umaabot sa halos 39 milyon katao ang nagkakaroon ng kondisyon sa mata na siyang nagiging sanhi ng kanilang pagkabulag lalo na kung napabayaan. 

Mahal kasi ang pagpapasuri at pagpapagamot sa ganitong uri ng karamdaman kaya naman karamihan sa ating mga kababayan ay tinatanggap nalang ang kanilang kapalaran dahil na rin sa kakulangan ng kakayanang makapagbayad para sa gagawing operasyon.

Sa kabuting palad ay mayroong isang Doktor ang nagbahagi ng kaniyang nalalaman sa pangagamot ng mata hindi lamang sa mga kapwa niya Doktor kundi pati na rin sa mga taong kapos sa pinansiyal. 


Siya ay nakilala bilang si Dr. Saduk Ruit, isang Nepales at siyang nakadiskubre ng mabisang paraan para magamot ang kondisyon sa mata sa loob lamang ng limang minuto!

Batid niya ang nararanasan ng kaniyang mga kababayan lalo na at lumaki rin siya sa isang mahirap na pamilya, kaya naman ngayon ay nais niyang makatulong sa mga ito sa pamamagitan ng pangagamot.


"As sad as this might sound, you realize that life is short and unpredictable. Death is a great teacher. It reminds you, almost mockingly, that everyone is stamped with an expiration date. I am a mortal being after all. I have to do what I do best to give people a better shot at life. I have to do it before my time comes." - Dr. Ruit.

Naglilibot-libot siya sa iba't ibang panig ng mundo kagaya ng Asia, Africa at maging sa North Korea. Sa loob nga ng 30 taong panggagamot ay natulungan nila ang mahigi't kumulang sa 100,000 katao na mayroong kondisyon sa mata. 



Isa na sa mga ito ang ama na nakita sa kauna-unahang pagkakataon ang mukha ng kaniyang anak matapos niyang gumaling sa karamdaman. Ang ilan sa mga napagaling ni Dr.Ruit ay nagmula pa sa malayong lugar at sinadyang makapunta sa kanilang kampo kung saan mayroong libreng operasyon para sa mata.


Samantala, sa tulong ng kapwa niya opthalmologist at philantropist ay nakapagpatayo si Dr. Ruit ng isang eye-care center na tinawag nilang Tilgana Institute of Opthalmology (TIO). Ito ay naglalayon na mabigyan ng maayos na pasilidad ang mga Nepalese pagdating sa pangagamot ng kanilang mga mata. Mayroon ding state-of-the-art lenses ang TIO na siyang ginagamit para sa mga pasyenteng mayroong katarata at myopia sa mata.


Ayon pa kay Dr.Ruit, masasabi niyang matagumpay ang isang tao sa kaniyang buhay hindi sa pamamagitan ng mga salapi na kaniyang kinita sa pagtatrabaho kundi sa pamamagitan ng mga tao na iyong natulungan at nabigyan ng impluwensiya.

"My idea of success is not calculated in money one earns but in the lives that one has influenced, " dagdag pa ni Dr. Sanduk Ruit.

Comments

Popular posts from this blog

Tumangging Isakay ang Isang Pamilya ng mga Aeta ng Isang Kilalang Bus Line na Ito Noong Bago Mag-Pasko

Isang Ama Hindi Mabilhan Ng Bagong Bag Ang Kanyang Anak, Sa Halip Pinagtahi Niya Ito Na Kinamangha Ng Mga Netizens

Lalaki Natagpuan Ang Napakaraming Pera Sa Gilid Ng Pinto Ng Kanyang 2nd Hand Na Kotse

Tawang-tawa Ang Amo Sa Kanyang Alagang Aso Matapos Matagpuan Ang Isang Pustiso Sa Kanilang Bakuran

Tinulungan Ng Mga Netizens Ang Isang Tatay Na Nagtitinda Ng Okra At Nakatira Lamang Sa Isang Tricycle Sa Bangketa