Isang Parking Lot Nilagyan Ng Mga Kama Upang Matulugan Ng Mga Taong Walang Matuluyan Sa Gabi


Marami sa mga taong walang bahay ay natutulog at tumitira na lang sa lansangan, sa mga kalsada, sa ilalim ng tulay at kung saan saan. Hindi madali ang kanilang sitwasyon na ito dahil ang kanilang buhay at kalusugan ay nadadala sa peligro lalo na't wala silang natutulugan na maayos na higaan. 

Minsan kapag malamig ang panahon ay pinangsasapin lang ang lumang dyaryo o karton at saka ilalatag na lang ito sa gilid ng kalsada na kung saan marami ang dumaraan pang mga sasakyan. 

Ngunit ang problema ng walang matitirhan ay hindi lamang pala problema dito sa Pilipinas ngunit maging sa ibang bansa tulad ng sa Australia ay mayroon din silang mga kababayan walang natutuluyan sa gabi.

Kaya naman ang isang Australian charity na Beddown ay nagdesisyon na tulungan ang kanilang mga kababayan na nangangailan ng tulong. Nagkaroon sila ng ideya na kung saan ay naglaan sila ng mga kama o higaan para sa mga taong walang matulugan sa gabi.

Nagmula ang ideyang ito sa founder ng charity ng Beddown na si Norman McGillivray nang mapadaan siya sa isang bakanteng parking lot isang gabi. Imbes na walang nakapark na sasakyan, naisip niya na bakit hindi na lang nila ito gawing pansamantalang shelter ng mga taong nakatira lang sa lansangan.

Sinimulan nila ito ng makipagkasundo sila sa isang malaking car park operator na Secure Parking na kung saan ang mga bakanteng parking lots sa gabi ay gagawin nilang matutulugan ng mga taong walang bahay.

Naglagay sila ng mga kama, kumot at unan sa mga bakanteng parking spaces sa gabi upang mabigyan ng mas secure at safe na lugar ang mga taong natutulog lamang sa kalsada. At sa umaga ay balik sa normal na operasyon ang mga ito bilang isang parking lot.

Nagkaroon sila ng two-week trial at naging matagumpay naman ito. Ayon sa resulta ng kanilang dry-run ay 41 na tao ang kanilang na-accomodate ngunit mayroong 9 na kanilang tinanggihan dahil sa overcapacity. 

Ayon sa survey, 100% sa mga guest ang nakaramdam ng seguridad at naging komportable sa kanilang pagtulog na nilaan ng charity. Naglaan rin sila ng mga iba't ibang mga serbisyo sa kanilang mga guests tulad ng doktor, nurses, dentists at hairdressers. 

Naglaan rin sila ng mga malinis na banyo upang makapaglinis ng sarili ang kanilang mga naging guests at nagbigay rin sila ng mga libreng damit.

Comments

Popular posts from this blog

7 Celebrities Who Were Romantically Linked to Vic Sotto Before He Married Pauleen Luna

Ibinahagi Nina Maine Mendoza at Arjo Atayde ang Pagdiriwang ng Kanilang First Anniversary Bilang Magkasintahan

Cherry Blossoms Malapit Nang Tumubo Sa Baguio Dahil Mayroong Nagdonate Na Mga Japanese

Wala Talagang Iwanan! Si Bantay At Muning Kasama Sa Paglilipat Ng Bahay

Dating Aktres na si Thalia na Gumanap na Marimar, Ito na ang Buhay Niya Ngayon! Maganda Pa rin at Walang Pinagbago!