Isang Sikat na Vlogger, Tinulungan ang lsang 68 Taon Gulang na Matanda na Nagtatrabaho sa Gas Station




Hindi na mabilang ang mga tinatawag nating 'social media influencer' sa online world at karamihan sa kanila ay ginagamit ang titulong ito hindi lamang upang kumita ng pera para sa personal nilang pangangailangan kundi para na rin makatulong sa mas nangangailangang mamamayan sa ating lipunan. 

Isa na nga dito ang 'YouTube vlogger' na si Basel Manadil o mas kilala ng mga netizens bilang si "Hungry Syrian Wanderer". Hindi na rin mabilang ang mga Pilipinong natulungan niya sa mahabang panahon ng kaniyang karera bilang isang vlogger at kamakailan lang nga ay nabigyan niya ng pansin ang nag-viral na matandang nagtatrabaho sa isang gasolinahan. 


Sa pamamagitan ng isang concerned netizen na si Kewel Oro ay naibahagi online ang kwento ng matandang nakilala bilang si Tatay Bro na sa kabila ng edad na 68-taong gulang ay patuloy pa rin sa pagtatrabaho. 

"I saw this post from someone and when I read his story today, without hesitation, I went there without any planning, and there he is! Nandoon pa din sya sa initan at naglalagay ng hangin sa mga gulong," pagkukwento ni Basel. 




Agad na tinulungan ni Basel ang matanda at sinorpresa ito sa pagbibigay ng 1,000 pesos sa kada gulong ng sasakyan na pinalagyan niya ng hangin. Abot hanggang tenga ang ngiti ni Tatay Bro dahil sa ginawang ito ng vlogger ngunit hindi pa pala doon nagtatapos ang maaga niyang aginaldo dahil sinamahan siya mismo ni Basel sa kaniyang bahay at doon ay binigyan pa ng mga grocery at bigas. 


Laking pasasalamat ng matanda dahil mayroon na siyang makakain kahit na hindi siya makapagtrabaho sa gasolinahan sa mga pagkakataon masama ang panahon o di kaya naman ay ang kaniyang pakiramdam. 




Matapos na makasama ang matanda ay talaga namang na-inspire si Basel sa buhay nito dahil sa kabila ng katandaan ay patuloy pa rin ito sa pagtatrabaho at hindi nagiging pabigat sa ibang tao. 

"Nakakainspire si Lolo Bro, dahil sa sipag sa buhay! LODI PETMALU talaga ang mga simpleng tao na mga ito, dapat hinahangaan at tinutularan. Kalabaw lang ang tumatanda," dagdag pa niya. 

Ang naturang vlog ni Basel patungkol kay Tatay Bro ay umabot na ng mahigit sa 494,000 views mula sa mga netizens isang araw lang matapos niya itong i-post sa YouTube.

Comments

Popular posts from this blog

Ito ang Benepisyo ng Paglagay ng Sibuyas sa Loob ng Medyas sa Paa na Dapat Ninyong Subukan!

Natural at Mabisang Paraan Para Mawala Ang Mga Langgam sa Bahay

Pagkakaroon ng Nasal Polyps sa Loob ng ilong: Ano ang Ibig Sabihin nito?

Uminom ng Nilagang Dahon ng Guyabano! Ito pala ang Magandang Epekto nito sa Ating Kalusugan!

Ayon sa mga Eksperto, Ang Pagtaas ng Binti ng 20 Minuto ay Limang Benepisyong Hatid sa Ating Sistema!