Isang Tatay na Buhat buhat ang Kaniyang Anak Habang Nagtatrabaho Upang Mabantayan at May Pambili Ito ng Gatas!






Ang ama ay tinagurian bilang haligi ng bawat tahanan dahil sila ang bubuo at magtataguyod ng kanilang pamilya sa hirap man at ginhawa. 

Ito nga ang dahilan kung bakit pinaniniwalaan natin na kayang-kaya nilang maitaguyod ang kanilang pamilya at maibigay ang lahat ng pangangailangan ng mga ito dahil sila ang Padre de Pamilya. Sinisiguro rin nila na ligtas ang bawat miyembro ng pamilya sa halos lahat ng pagkakataon sa ilalim ng kanilang pangangalaga.

Ilan lamang ito sa mga ginagawa ng mga Tatay at sa dami nga ng responsibilidad na kailangan nilang gampanan sa isang pamilya ay nasasabi ng ilan na parang "pasan na nila ang daigdig".

Kaugnay nito, isang ama ang kamakailan ay naging viral sa social media nang ibahagi niya ang ilang larawan na nagpapakita kung papaano siya nagtatrabaho habang pasan-pasan sa kaniyang likuran ang anak na wala pang muwang!


Nakilala ang lalaki bilang si Vinz Manalo Bobo at ayon sa kaniyang Facebook profile, nagtatrabaho siya sa Adventist Hospital na matatagpuan sa Palawan. Napangasawa niya si Julie May Dominguez na nagtatrabaho rin sa parehong lugar at nabiyayaan sila ng dalawang supling. Bago pa man masabak sa trabaho sa kusina ay dating misyonaryo si Vinz pati na rin ang asawa nitong si Julie.



Samantala, sa dalawang larawan na ibinahagi niya sa Facebook ay makikitang tahimik at walang imik ang bata habang nakasabit ito sa likuran ng kaniyang ama na abalang- abala sa pagbabalat at paghihiwa ng mga gulay. Maliban sa pag-aasikaso ng mga lulutuin ay si Vinz na rin mismo ang nagluluto at minsan ay naghuhugas ng mga plato sa kusina.



'Kapit lang anak ko kailangan lang talaga magtrabaho ng papa mo para may pambili ng gatas mo #backride #joyride #inspired," caption ni Vinz sa kaniyang Facebook post.


Maraming netizens ang humanga sa determinasyon ni Vinz na maibigay ang pangangailangan ng kaniyang anak sa paraan na alam niya ngunit hindi rin maiwasan ng ilan na maitanong kung nasaan ang nanay ng bata ng mga panahong iyon

Hindi na sinagot pa ni Vinz ang ganitong mga komento at marahil ay mayroong hindi inaasahang pangyayari ang naganap noong araw na iyon kaya naman napilitan siyang isama ang kaniyang anak sa trabaho. Ganoon pa man, isang patunay lang si Vinz na walang maaring maging hadlang sa layunin ng mga magulang na mapabuti ang kalagayan ng kanilang mga anak.

Comments

Popular posts from this blog

Pinoy Matapang Na Ipinagtanggol Ang Isang Delivery Man Dahil Sa Ginawa Ng Isang Babaeng Chinese

Hinalungkat ng mga Crew ang Basurahan ng Restaurant na Ito Matapos Mawala ng Customer ang Kaniyang Singsing

Tumangging Isakay ang Isang Pamilya ng mga Aeta ng Isang Kilalang Bus Line na Ito Noong Bago Mag-Pasko

Isang Ama Hindi Mabilhan Ng Bagong Bag Ang Kanyang Anak, Sa Halip Pinagtahi Niya Ito Na Kinamangha Ng Mga Netizens

Tinulungan Ng Mga Netizens Ang Isang Tatay Na Nagtitinda Ng Okra At Nakatira Lamang Sa Isang Tricycle Sa Bangketa