Jackpot Ang Isang Lalaki Dahil Nakatagpo Ng Mamahaling Perlas Sa Pagkain Ng Talaba



Alam naman natin na ang mga perlas ay mahirap hanapin kaya naman ang mga halaga nito ay may kamahalan. Ngunit isang lalaki sa Iloilo ang kumain lamang ng talaba sa isang restaurant ay maswerte pang nakatagpo ng perlas, pero buti na lamang at hindi niya ito nalunok. 

Sa isang episode ng Kapuso Mo, Jessica Soho ay napabalita ang maswerteng lalaki na si Raoul na habang kumakain sa isang seafood restaurant ay nakagat ang tila hugis ngipin na perlas na mula sa kinakaing grilled talaba.

Noong una ay akala niya ay natanggalan lamang siya ng ngipin, ngunit noong sinuring mabuti ay sinabi ng kanyang mga kaibigan na baka isa raw itong perlas. Pagkauwi ay ipinakita niya ito sa kanyang asawa.

Ayon sa superbisor ng restaurant na kanilang pinagkainan ay mayroong pagkakataon na mayroong mga foreign objects na natatagpuan sa mga talaba na kanilang inoorder sa isang farm sa Aklan. Ngunit ang sa kaso ni Raoul ay ngayon pa lamang raw nila ito naranasan. 

Nang unang ipasuri ito ni Raoul sa kanyang kamag-anak na si Flord Calawag na isang licensed Fisheries Technologist ay sinabi na base kanyang karanasan sa pag-handle ng mga perlas ay totoong perlas raw ang hawak ni Raoul. Ngunit ito pa lang ang kanyang unang pagkakataon na makakita ng perlas na mula sa talaba at iba ang hugis dahil karaniwan ay pabilog o spherical ang mga ito.

Upang makatiyak pa ay ipinasuri rin ito sa isang licensed gemologist sa Maynila na si Jewel Crisostomo at nagsagawa ng chemical test.

Natagpuan na mayroon itong calcium carbonate na nagpapatunay na ang natagpuan ni Raoul ay isa ngang totoong perlas.

Ang mga natural na perlas na katulad nito ay nagkakahalaga ng higit P20,000 hanggang P30,000. 

Imbes na ipagbili ay minabuti na lamang ni Raoul na iregalo ito sa kanyang asawa sa kanilang anibersaryo at pinagawan ito ng kwintas na kung saan ang perlas ang naging pendant nito.

Comments

Popular posts from this blog

Tumangging Isakay ang Isang Pamilya ng mga Aeta ng Isang Kilalang Bus Line na Ito Noong Bago Mag-Pasko

Isang Ama Hindi Mabilhan Ng Bagong Bag Ang Kanyang Anak, Sa Halip Pinagtahi Niya Ito Na Kinamangha Ng Mga Netizens

Lalaki Natagpuan Ang Napakaraming Pera Sa Gilid Ng Pinto Ng Kanyang 2nd Hand Na Kotse

Tawang-tawa Ang Amo Sa Kanyang Alagang Aso Matapos Matagpuan Ang Isang Pustiso Sa Kanilang Bakuran

Tinulungan Ng Mga Netizens Ang Isang Tatay Na Nagtitinda Ng Okra At Nakatira Lamang Sa Isang Tricycle Sa Bangketa