James Reid, Ibinahagi ang Biglaang Pagpunta ng Japan Mag-Isa Dahil sa Stress at Depresyon!




Masarap magkaroon ng trabaho lalo na kung gusto mo ang iyong ginagawa. Maliban nga sa kumikita ka ng pera para sa pangaraw-araw na gastusin ay parang hindi ka rin nagtatrabaho dahil nagiging natural nalang sayo ang lahat. Ganito nga ang madalas na iniisip ng karamihan kapag nakakakita sila ng isang tao na ginawang trabaho ang passion nito kagaya na lamang ng mga artista.

Ang hindi nila alam ay nakakaranas din ang mga ito ng stress sa buhay lalo na mula sa kanilang mga boss o di kaya naman sa kanilang mga tagahanga.


Sa katunayan, ang aktor na si James Reid ay hayagang ibinalita sa isang panayam sa kaniya na sa sobrang stress niya sa industriya ng showbiz ay biglaan siyang nagdesisyon na umalis ng bansa at tumungo ng Japan kahit na wala siyang planong gawin doon. 

Noong una ay nakaramdam siya ng takot dahil mag-isa lang siya na pupunta sa bansa na hindi niya pa kailanman nararating. 




"...I went to Japan for the first time but alone. And I was really scared. I was terrified. But yeah, I went to Japan by myself. And I stayed there for a week. I went around to different places by myself and no one spoke English. It was really scary but it was a fun adventure," pagkukwento ng aktor. 

Nangyari ang insidenteng ito sa pagitan ng taong 2015 at 2016. Naibahagi nga rin ni James sa 'Tonight with Boy Abunda' na mayroong pagkakataong gusto na niyang iwanan ang karera sa showbiz dahil na rin sa depression. 




Sa kabutihang palad ay hindi siya iniwan ng kasintahan na si Nadine Lustre at tinulungan siya nito na muling makabangon at makita ang kagandahan ng buhay. 


" I was so affected by people telling me how to be and what to do with my life...With her, I didn’t have to pretend to be anyone. I could just be myself completely. She helped me through the darkest time of my life, and I’ve been there for her," dagdag pa ni James. 

Tunay ngang kahit sino ay maaring makaranas ng sobrang stress o depression kaya naman mainam na malaman natin kung papaano matutulungan ang mga tao na nakakaranas ng ganitong karamdaman.

Comments

Popular posts from this blog

Tumangging Isakay ang Isang Pamilya ng mga Aeta ng Isang Kilalang Bus Line na Ito Noong Bago Mag-Pasko

Isang Ama Hindi Mabilhan Ng Bagong Bag Ang Kanyang Anak, Sa Halip Pinagtahi Niya Ito Na Kinamangha Ng Mga Netizens

Lalaki Natagpuan Ang Napakaraming Pera Sa Gilid Ng Pinto Ng Kanyang 2nd Hand Na Kotse

Tawang-tawa Ang Amo Sa Kanyang Alagang Aso Matapos Matagpuan Ang Isang Pustiso Sa Kanilang Bakuran

Tinulungan Ng Mga Netizens Ang Isang Tatay Na Nagtitinda Ng Okra At Nakatira Lamang Sa Isang Tricycle Sa Bangketa