‘Mang Inasal boy’ Tinulungan Makapagtapos ng Kolehiyo Ang Nobya Na Naging Cum Laude at Board Passer!




Ang kwento ni Blessy Parreño at kanyang nobyong si RM De Martin ay isang inspirasyon para sa lahat ng mag-aaral, mga magulang na nagsusumikap at magkasintahang sabay nangarap. Pinatunayan ni Blessy na sulit ang sakripisyo ni RM upang makapagtapos siya ng kolehiyo. Ayon sa dalagang nakapagtapos ng pag-aaral sa tulong kanyang nobyo na sana ay huwag sayangin ang pagsusumikap ng mga mahal natin sa buhay at laging tatandaan na ang lahat ay may mabuting dulot kapag sinamahan ng pagsisikap, pagtitiis, pagtitiyaga at higit sa lahat ay pananalig sa Poong may likha. 

Isa na namang patunay na hindi hadlang ang kahirapan basta mayroong tiyaga at pagsusumikap ay makakamit talaga ang tagumpay. Maliban sa nakapagtapos si Blessy, ay Cum Laude rin siya Capiz State University. Kwento ni Blessy, marami silang hinarap na pagsubok. Kabilang na rito ang panglalait at chismis dahil sa buhay ni RM. Ayon kay Blessy, naging construction worker, cook, at ngayon ay OIC na ng Mang Inasal ang kanyang nobyo para lang makapagtapos siya ng pag-aaral. Aniya, kahit na high school graduate ang kasintahan ay proud siya rito. 




Marami silang narinig na panglalait at mapahusgang salita ngunit hindi nila inintindi iyon. Bagkus, nagsumikap pa sila at nagtiyaga dahil may pangarap sila. Kaya naman malaki ang kanyang pasasalamat sa kasintahan dahil itinaguyod nito ang kanyang pag-aaral ng apat na taon. Pareho silang nagtiis,nagsikap at pinagtiyagaan ang lahat ng bagay na meron sila. 

Ayon pa kay Blessy, sana daw ay lahat ng batang pinapaaral, sana huwag sayangin ang paghihirap ng kanilang mga mahal sa buhay at laging tatandaan na ang lahat ay may mabuting dulot kapag sinamahan ng pagsisikap, pagtitiis, pagtitiyaga at higit sa lahat ay pananalig sa Poong may likha. Dagdag pa rito, si Blessy ay graduate sa kursong Secondary Education Maor in Filipino. At sa bagong resulta ng Licensure examination for Teachers 2019 ay nakapasa siya at ganap ng guro.

Comments

Popular posts from this blog

Nagulat Ang Bride Matapos Magpakita Ang Dating GF Ng Kanyang Mapapangasawa Sa Mismong Araw Pa Ng Kanilang Kasal

Dahil Sa Pusa, Nabunyag Ang Tinatagong Sikreto Ng Mister Sa Kanyang Misis

Isosorpresa Dapat Ng Lalaking Ito Ang Kanyang Nobya Sa Kanyang Birthday, Pero Mas Nasorpresa Siya Nang Mahuli Niyang May Kayakap Itong Iba

Imbes Na Masaya Ay Mas Nalungkot Ang Lalaking Ito Sa Araw Ng Kanyang Graduation

Pinaka Bongga at Pinaka Mahal na Wedding ng mga Artista!