Masipag Na Bata Kasamang Pumapasok Sa Eskwela Ang Kanyang Kapatid Upang Ito Ay Maalagaan Habang Siya Ay Nag-aaral


Responsibilidad ng isang magulang ang alagaan ang kanilang anak habang lumalaki. Ngunit mas malaking responsibilidad para sa isang bata na alagaan ang kanyang mas nakababatang kapatid lalo na kung sila ay parehas na nasa murang edad pa lang. 

Isang makabag damdaming kwento ang naibahagi ng guro na si Herald Hope Tero-Mangle Apole sa kanyang Facebook account ang kanyang isang masipag na estudyante.

Nagtuturo si Apole sa New Katipunan Elementary School sa Bayugan City, Agusan del Sur. Napansin niya na araw-araw dinadala ng kanyang estudyante ang kanyang kapatid sa tuwing papasok ito sa klase. Naawa ang guro at nang malaman niya ang totoong sitwasyon ng bata ay mas lalo itong nahabag ngunit hinangaan ang kasipagan ng kanyang estudyante.

Ayon sa guro, nakatira ang bata sa Sitio New Katipunan sa San Juan, Bayugan City at mula sa isang mahirap na pamilya. Siya ang tumatayong tagapangalaga ng kanyang mas nakababatang kapatid. Ngunit kahit na isang malaking sakripisyo ang ginagawa niyang pag-aalaga ay hindi pa rin niya pinapabayaan ang kanyang pag-aaral.

Sa katunayan, mas pinipili niyang pumasok sa eskwelahan kasama ang kanyang kapatid kahit na siya ay walang baon. At kung ano mang pagkain ang meron siya ay ibinibigay pa niya ito sa kanyang kapatid.

Ayon sa bata ay nais daw niyang maging isang guro balang araw na talagang hinangaan ng mga netizens ang kanyang kasipagan at determinasyon.

Sa post ni Apole ay nakalagay sa caption ay,

"D.E.T.E.R.M.I.N.A.T.I.O.N

I want to be a teacher, he said

He chose to go to school even without his breakfast.
He chose to go to school even without his baon.
He chose to go to school even without wearing his uniform.
He chose to give what he has for his younger sibling.
He chose to go to school even doing a parent't role..."

Nawa'y magsilbing inspirasyon ang batang ito sa iba pang kabataan na pinagsasawalang bahala ang kanilang pag-aaral. Dahil malaking sakripisyo ang akuhin ng isang bata ang responsibilidad ng isang magulang. Ngunit gayunpaman ay hindi pa rin niya pinapabayaan ang kanyang pag-aaral at determinadong maabot ang kanyang pangarap.

Source: Facebook



Comments

Post a comment

Popular posts from this blog

Tumangging Isakay ang Isang Pamilya ng mga Aeta ng Isang Kilalang Bus Line na Ito Noong Bago Mag-Pasko

Isang Ama Hindi Mabilhan Ng Bagong Bag Ang Kanyang Anak, Sa Halip Pinagtahi Niya Ito Na Kinamangha Ng Mga Netizens

Tinulungan Ng Mga Netizens Ang Isang Tatay Na Nagtitinda Ng Okra At Nakatira Lamang Sa Isang Tricycle Sa Bangketa

Pinoy Matapang Na Ipinagtanggol Ang Isang Delivery Man Dahil Sa Ginawa Ng Isang Babaeng Chinese

Lalaki Natagpuan Ang Napakaraming Pera Sa Gilid Ng Pinto Ng Kanyang 2nd Hand Na Kotse