Mga Pulis Nagtulong Tulong Upang Maitayo Ang Bahay Ng Isang Lola



Nakakataba ng puso ang makita ang bawat isa sa atin na nagtutulungan at walang hinihinging kapalit. Nakakainspire rin ang mga istorya ng mga taong nagpapakita ng malasakit lalo na sa mga kapwa natin na kapus palad.

Ibinahagi ng isang Facebook page na I Love PNP ang pagtutulungan ng mga kapulisan ng Ilocos Norte na maitayo ng isang bahay para sa isang 98 taong gulang na lola. Sanib-pwersa ang mga pulis ng Badoc Patrolbase, 101st Maneuver Company, RMFB1, Police Regional Office 1 mapa-babae man o lalaki na mabuo ang munting tahanan ng kawawang lola.

Ayon sa I Love PNP, nagsimula ang pagtulong sa pagbibigay lang ng konting groceries hanggang mapansin ito ng mga netizens sa social media. Ito ang naging daan upang sila ay makalikom ng halaga upang matulungan ang kalagayan ng matanda.

Sila-sila rin ay nag-ambagan para mabigyan ng maayos na tahanan si Lola Celerina na sa kanyang edad ay nakakapagpahinga na dapat sa isang ligtas na tahanan.

Ang nakakatuwa pa sa ginawa ng mga kapulisan ay hindi naman nila kaano-ano ang lola ngunit pinakita pa rin nila ang kanilang busilak na puso sa pagtulong.


Makikita na sila-sila rin ang naghalo ng semento, naglagay ng pundasyon sa bahay, namintura, naglipat ng gamit at iba pa para agad nang makalipat sa bagong bahay si Lola Celerina.

Dagdag ng I Love PNP na mayroong dalawang anak si Lola na parehong lalaki, may edad na rin at hindi nakapag-asawa. Sila ang nag-aalaga sa matanda at tanging pagsasaka ang kanilang ikinabubuhay. 




Saludo naman ang mga netizens sa mga pulis na ito dahil sa kanilang pagmamalasakit ay nabigyan ng tiyansang makatira sa isang maayos at matibay na tahanan si Lola Celerina. 

"Wow! Sana lahat ng pulis ganito. Ang galing niyo mga sir napakabuti po ng mga puso ninyo. Ang saya saya ni lola."

"Sobrang nakakataba ng puso na makakita ng ganitong bayanihan na pinangungunahan ng mga mabubuting taong gayo niyo."

"Napaiyak ako sa tuwa na ang mga kapulisan natin ang mapagkawanggawa."

Source: Facebook

Comments

Popular posts from this blog

7 Celebrities Who Were Romantically Linked to Vic Sotto Before He Married Pauleen Luna

Ibinahagi Nina Maine Mendoza at Arjo Atayde ang Pagdiriwang ng Kanilang First Anniversary Bilang Magkasintahan

Cherry Blossoms Malapit Nang Tumubo Sa Baguio Dahil Mayroong Nagdonate Na Mga Japanese

Wala Talagang Iwanan! Si Bantay At Muning Kasama Sa Paglilipat Ng Bahay

Dating Aktres na si Thalia na Gumanap na Marimar, Ito na ang Buhay Niya Ngayon! Maganda Pa rin at Walang Pinagbago!