Nagpa-Goodvibes Ang Isang Estudyante Dahil Sa Pagdadala Ng "Lumpia" Na Sitsirya Sa Party


Tuwing malapit na ang Pasko ay kabilaan na ang mga Christmas party. Minsan ay ginagawa na rin ito bilang isang reunion ng mga magkakaibigan at magpapamilya. 

Nakaugalian na rin ng ilan na magkaroon "toka-toka" pagdating sa pagkain. Mas maganda kasi itong gawin upang hindi madoble ang mga pagkaing dinadala sa handaan. At isa na nga sa mga paboritong pagkain na inihahanda sa mga party ay ang lumpiang shanghai.

Sa post na ibinahagi ng Facebook user na si Nero Sebastian Ferell ay nagdulot ng katatawanan ang natokang pagkain na dinala ng kanyang kaibigan na si Renalyn Taratara. Imbes kasi na lumpiang shanghai ang kanyang dinala ay chitchiryang may pangalan na "lumpia" ang kanyang binitbit.

Caption ni Ferell,

"Sabi ni klasmeyt sya na daw bahala sa lumpia, tapos, tapos, t***ina nawalan na ako ng gana."

Ayon sa post ni Renalyn ay sila ng kanyang kaklaseng si Anne Maureen Vergara ang nakaisip sa ideyang iyon upang maiba naman daw ang kanilang handa. 

Makikita sa larawan na inihanda pa nila ang kulay orange na chitchirya sa isang plastic na lalagyanan na may nakasapin pang dyaryo upang magmukha ito na parang ulam. At sa isa namang larawan ay makikita na isinama pa ito sa mga handa nila sa party. 

Pumatok naman sa mga netizens ang pakulo na ito ng magkaklase dahil marami ang natuwa rito. Baka kasi kinapos sa budget para sa pambili ng totoong lumpiang shanghai ang dalawa kaya ang tigpi-pisong lumpiang chitchirya na lamang ang kanilang hinanda. Kung tutuosin, lumpia pa rin naman ang tawag. 

Wika ng ilang netizens na masarap din naman daw ang chitchiryang lumpia at ang ilan ay nagkomento pa ng ilang mga tigpi-pisong chitchirya na may pangalan ng mga ulam tulad ng bangus, lechon manok, at crispy tilapia.

Dahil dito ang ilang netizens ay nagkaroon ng ideya sa sagot nilang pagkain sa kanila namang New Year's party. Mukhang susubukan rin ito ng iba para pampagoodvibes sa kanilang mga kaibigan at kapamilya. 

Source: Facebook

Comments

Popular posts from this blog

Pinoy Matapang Na Ipinagtanggol Ang Isang Delivery Man Dahil Sa Ginawa Ng Isang Babaeng Chinese

Tumangging Isakay ang Isang Pamilya ng mga Aeta ng Isang Kilalang Bus Line na Ito Noong Bago Mag-Pasko

Hinalungkat ng mga Crew ang Basurahan ng Restaurant na Ito Matapos Mawala ng Customer ang Kaniyang Singsing

Isang Ama Hindi Mabilhan Ng Bagong Bag Ang Kanyang Anak, Sa Halip Pinagtahi Niya Ito Na Kinamangha Ng Mga Netizens

Tinulungan Ng Mga Netizens Ang Isang Tatay Na Nagtitinda Ng Okra At Nakatira Lamang Sa Isang Tricycle Sa Bangketa