Naisalba ng Pinoy Scientist ang Corn Industry ng Buong Mundo Noong 1961 Dahil sa Research Study Nito!




Mapalad ang bansang Pilipinas sa pagkakaroon ng malawak at matatabang lupain kaya naman hindi nakakapagtaka na karamihan sa ating mga kababayan ay nasa sektor ng agrikultura ang hanap-buhay. Sila ay tinatawag na magsasaka at mas marami ang bilang nila lalo na noong unang panahon kung saan ang teknolohiya ay hindi pa ganoon kakilala. Nagtatanim sila ng palay, mais at iba pang halaman na maaring mapakinabangan.

Dahil dito, ang mga sayantipiko sa larangan ng agrikultura ay patuloy sa paghahanap ng mabisang paraan para maprotektahan ang mga pananim sa anumang uri ng insekto o peste na maaring makasira sa mga ito. Sa katunayan, ayon sa balitang inilabas ng website na FLipScience, ang national scientist na si Dr. Richard Lantican kasama ang kaniyang grupo ay malaki ang naging ambang para mailigtas ang industriya ng agrikultura sa buong mundo partikular na ang taniman ng mga mais sa Amerika.




Sa kanilang masusing pag-aaral noong 1961 ay napag-alaman nila kung papaano sinisira ng isang peste na mayroong T-cytoplasm ang pananim ng mais sa UP Los Banos kaya naman nakahanap sila ng paraan para ito ay mapigilan. Ngunit hindi nabigyang pansin ang kahalagahan ng kanilang pag-aaral at nanatili itong lihim sa sektor ng agrikultura hanggang sa makalipas ang halos sampung taon ay nasalanta ng mga insekto na kung tawagin ay Helminthospcrium maydis fungus ang malawak na taniman ng mais sa America.


Ito ang naging hudyat para makilala ang gawa nina Lantican at iba pa niyang kasamahan. Nagamit ang kanilang natuklasan para mailigtas ang industriya ng mais sa tiyak na pagkalugi.




“Had sufficient attention been paid to the team’s findings earlier, the U.S corn industry would have been spared from billions of dollars’ worth of losses. In other words, farmer’s livelihood were saved and the world dodged a corn crisis, simply because Dr. Lantican and his colleagues were crazy about research,” pahayag ng FlipScience.


Maliban dito ay nakagawa din si Lantican ng umaabot sa dalawampung mas mas magagandang uri ng mga buto ng munggo, soybean at mani na malaki ang naitulong sa mga magsasaka para mapalago ang produksiyon ng kanilang mga pananim.

Tunay ngang mahalaga ang mga pag-aaral na ginagawa ng mga dalubhasang tao sa ating lipunan kaya naman dapat itong suportahan at huwag balewalain.

Comments

  1. Ganoon naman pala, bakit hindi ipinagpatuloy ang pagtanim ng Mais sa buong Pilipinas , pati Munggo? Ang alam kong maunlad ang Maisan ay sa South America, marami silang lutuin pati sa Fast Food" na may Mais. Sa U.S.A. ay maraming naging Milyonaryo sa POPCORN. Ang Munggo naman ay sa China ang pinakamaunlad. Itong mga Produkto pa naman ang hindi madaling masira at puedeng e export. Kailangan siguro ay mag "distribute" ng magagandang Binhi sa Filipino Farmers nationwide. Hindi siguro alam ng karamihan at wala rin naman silang itatanim. SHARE ! SHARE! SHARE please! AURAPHIL thanks for this information. GOD bless!

    ReplyDelete

Post a Comment

Popular posts from this blog

7 Celebrities Who Were Romantically Linked to Vic Sotto Before He Married Pauleen Luna

Ibinahagi Nina Maine Mendoza at Arjo Atayde ang Pagdiriwang ng Kanilang First Anniversary Bilang Magkasintahan

Wala Talagang Iwanan! Si Bantay At Muning Kasama Sa Paglilipat Ng Bahay

Dating Aktres na si Thalia na Gumanap na Marimar, Ito na ang Buhay Niya Ngayon! Maganda Pa rin at Walang Pinagbago!

Maswerte ang Housemaid ni Pia Guanio Dahil Isinasama Ito sa Ibang Bansa at Ipinag-aral pa Ito ng Aktres ng Cooking Class