Netizen Nagbigay Payo Sa Mga Motorista Na Mag-ingat Sa Bagong Modus Na Kanyang Naranasan


Walang pinipiling oras o panahon ang mga kawatan na kung kailan sila mambibikt!ma ng ibang tao. Kahit saang lugar ay dapat lang na tayo ay maging maingat at mapagmasid sa paligid dahil malay natin na tayo na pala ang susunod na natipuhang bikt!mahin ng mga masasamang tao. 

Sa isang viral post ng netizen na si Kyle Christopher Marte Cinco sa kanyang Facebook account ay nagbigay siya ng isang paalala sa mga kapwa niyang motorista. Naranasan kasi niya habang malapit sa isang mall ang tila isang bagong modus ng mga kawatan.

Kwento niya na nangyari ang insidente mga 5:30 ng hapon malapit sa Robinsons Galleria sa Cebu.

"Someone left a bag of paint on the road, I ran over it and motorcycle approached me that there's paint on the car. I've noticed something's off, as I was about to open the door I noticed there was another guy who was waiting for me to unlock the door (he was outside on the passenger side back seat). When they realized that I already know what they're up too they sped off.

Stay safe don't open you doors to anyone."

Makikita sa larawan ang nagkalat na puting pintura sa gulong ng kanyang sasakyan. Dahil dito ay may lalaki na kunwaring nagmagandang loob upang sabihin ang nangyari ngunit mabuti na lamang at kinutuban ang netizen at hindi agad-agad bumaba ng sasakyan.

Mabuti na rin at napansin niya na mayroong isang kahina-hinalang lalaki na nag-aabang sa may likuran ng passenger side. '

Kung nagkataon na pinagbuksan ni Kyle ng pinto ang lalaki ay baka kung ano pang masamang nangyari sa kanya. 

Kaya payo ng netizen na mag-ingat at maging alisto sa lahat ng oras lalo na sa mga motorista. 

Saad pa ng isang netizen na huwag basta basta nagbubukas ng kotse at nag-eentertain ng ibang tao kapag nagda-drive. 

Makabubuti rin na kapag nakaranas ng mga ganitong insidente ay ireport ito sa mga kinauukulan.

Source: Facebook

Comments

Popular posts from this blog

7 Celebrities Who Were Romantically Linked to Vic Sotto Before He Married Pauleen Luna

Ibinahagi Nina Maine Mendoza at Arjo Atayde ang Pagdiriwang ng Kanilang First Anniversary Bilang Magkasintahan

Wala Talagang Iwanan! Si Bantay At Muning Kasama Sa Paglilipat Ng Bahay

Dating Aktres na si Thalia na Gumanap na Marimar, Ito na ang Buhay Niya Ngayon! Maganda Pa rin at Walang Pinagbago!

Maswerte ang Housemaid ni Pia Guanio Dahil Isinasama Ito sa Ibang Bansa at Ipinag-aral pa Ito ng Aktres ng Cooking Class