Netizen, Natuwa Sa Usapan Ng Tatlong Lalaki Tungkol Ka Kanilang Bonus



Ang buwan ng Disyembre ang pinakahihintay na buwan ng mga empleyado. Dito kasi ay nagkakaroon sila ng extrang panggastos dahil sa 13th month pay at Christmas bonus. Hindi man ganoon kalaki ang natatanggap ng ilan, ngunit malaking bagay na ito para sa kanila upang magamit sa paghahanda sa Pasko. 

Sa mga panahon ding ito ay napakahaba na ng mga pila sa mga bangko at ATM dahil sa kabilaang pagwi-withdraw ng mga tao sa kani-kanilang natanggap na bonus. 

Ang netizen na si Vinia Buena ay ibinahagi ang isang istorya sa kanyang Facebook account ng tatlong lalaking naunang nagwithdraw sa kanya sa ATM. 

Ayon sa kanya ay halos 30 minuto siyang nag-aantay sa pila ngunit imbes na siya mainis dahil sa tagal ay ikinatuwa niya ang pag-uusap ng tatlong lalaking nagwiwithdraw ng kanilang pera.

Narito ang kanyang kwento,

"Imbis na mabwitist ako dahil almost 30 minutes na ako naghihintay sa pila, natuwa ako habang naririnig ko sila:

Tagal ko hinintay to pare, may pambili na bagong sapatos anak ko.
Uy nakakuha ako 2,000 dami namin mabibiling handa neto.
Bait ni boss binigyan tayo bonus.
Text ko pa nga misis ko gusto nun spaghetti sa pasko eh.

Nakakatuwa lang kasi even they recevied small amount as their Christmas bonus, hindi sila nagreklamo, instead, inappreciate nila and inisip pa din na these are blessings. Unlike others, pag binigyan mo ng pandesal, gusto pa burger. Be grateful of what you have received. Hindi lahat nakakakuha ng kung anong meron ka ngayon."

Ang nakakainspire pa sa tatlo ay gagamitin nila ang perang iyon para sa kanilang pamilya at sa paghahanda para sa Pasko. Hindi man ganoon kalaki ang kanilang natanggap na pera ay lubos pa rin ang kanilang pasasalamat. 

Sana alalahanin natin na sa bawat biyaya na natatanggap natin, maliit man ito o malaki ay dapat pa rin tayong magpasalamat. Dahil sa ganoon pa lamang ay maswerte na tayo at tayo ay nabibiyayaan. 

Source: Facebook

Comments

Popular posts from this blog

Ukay-ukay Seller, May Nakakapangilabot Na Karanasan Sa Kanyang Binebentang Pulang Polo Shirt

Nakakantig Puso Na Pag-uusap Ng Isang Ama At Anak Habang Nasa Jeep Nasaksihan Ng Isang Netizen

Hinangaan Ang Isang Ama Na Security Guard Na Kasama Ang Kanyang Anak Sa Duty Para Maalagaan

Mabait Na Security Guard Tinulungan Ang Isang Bata Na Nakatulog Sa Kalsada

Lalamove Rider Na May Sira-Sirang Sapatos Binigyan Ng Sapatos Ng Kanyang Customer