Netizen, Pinayuhan Ang Mga Turista Na Huwag Namang Iwanan Ang Mga Basura At Kalat Kapag Namamasyal Sa Ibang Lugar


Tuwing araw ng kapaskuhan at pagsapit ng bagong taon ay diragsa ng iba't ibang mga tao ang mga tourist spots dito sa bansa. At dahil sa dami ng mga turistang bumibisita ay madalas sa mga panahong ito ay dumarami rin ang basura at kalat sa paligid. 

Katulad na lamang ng isang tourist spot sa Baguio City, ang Burnham Park. Dahil maganda ang paligid at malamig ang klima kaya naman di alintana kung bakit lagi itong binabalik balikan ng mga turista. 

Ngunit isang concerned netizen ang nabahala matapos makita ang mga nagkalat na mga basura sa parke noong bisperas ng Pasko. Dahil dito ay nagbigay siya ng kaunting paalala sa mga bumibista sa lugar na ito.

Bahagi ni Roland Lales Apilado sa kanyang Facebook post

"Dear visitors, (yes, visitors)

Pwede tayong maging bisita pero HINDI pwedeng maging dogyut. Baguio welcomes you with cold fresh air, please do respect in return.

I do morning joy daily at ito ang lagi kong nakikita, nadadaanan. Worst comes to worst as the season is approaching ta paadu nga paadu ti visitors tuy Baguio, including parking nga crowded along Burnham park and Athletic-madaling araw pa lang puno na. People leave their trashes here, there and everywhere.

CREATE your memories here but never ruin the place with your trash. Let Baguio feels that Christmas is as MERRY as yours."

Dagdag pa ni Apilado na dapat ibalik ang GMRC (Good Moral Right Conduct). At dapat ang mga adults o nakatatanda ang dapat bumalik sa grade 1 upang muling matutunan ang disiplina.





Sa katunayan, hindi lamang nangyayari ito sa Baguio kundi maging sa ibang lugar din kung saan dinaragsa ng mga tao.

Samantala, kanya-kanya namang komento ang mga netizens tungkol dito.

"Wala talagang disiplina ibang Pinoy, kaya alang asenso! Kawawang inang bayan!"

"My goodness, mga dugyot!"

"Ay grabe naman oh, feeling nila may taga ligpit ng kalat nila."

Payo naman ng isang netizen na dapat i-practice ang CLAYGO (Clean as you go) kahit saan mang lugar na magpunta upang mapanatili ang kalinisan ng kapaligiran at hindi na makadagdag pa sa problema ng ating bayan.

Source: Facebook

Comments

Popular posts from this blog

Tinulungan Ng Mga Netizen Ang Isang Ama Na Nahilo Habang Nagtitinda At Karga-Karga Ang Anak

Nagdulot Ng Katatawanan Ang Nakain Ng Isang Netizen Na "Mantikang Baboy Ice Cream"

Inspiring Story ng 10 Year Old na Babae, Nagsilbing Magulang sa Dalawa Niyang Kapatid Matapos Iwanan ng Kanilang Ina

Nakakantig Puso Na Pag-uusap Ng Isang Ama At Anak Habang Nasa Jeep Nasaksihan Ng Isang Netizen

Construction Worker At Kanyang Asawa, Nakaipon Ng Pampagawa Ng Bahay Gamit Ang 'Php50 Ipon Challenge'