Netizens Hinangaan Ang Grupo Ng Mga Estudyanteng Nag-darasal Sa Isang Fastfood



Kadalasan na makikita sa mga magbabarkada na kapag nagtipon-tipon ay nagkukwentuhan, nagtatawanan, nagkukulitan at gumigimik. Bibihira na lang siguro ngayon ang magbabarkada na kapag nagsama-sama ay sabay-sabay rin na nananampalataya sa Diyos. 

Pero huwag nating kakalimutan na ang matatag na pagsasamahan ng barkada ay dapat na ang Poong Maykapal ang sentro nito. Katulad na lamang ng isang grupo ng magbabarkadang ito na nakitang kahit sila ay nasa isang fastfood chain ay hindi nila nakalimutang magdasal ng sabay-sabay.

Ang netizen na si Aldwin Roy Ponce Baltazar ay nagbahagi ng isang larawan sa kanyang Facebook account ng isang grupo ng mga estudyanteng nakita niyang nagdadasal habang sila ay nasa isang sikat na fastfood chain sa Cabuyao. 

Malimit na kasing makikita ito ngayon sa mga kabataan lalo na't iba-iba na ang kanilang pananaw at pananalig sa buhay. Kaya naman noong nasaksihan niya ito ay pinuri niya ang mga estudyante. 

Caption ni Baltazar,

"When believers gather in groups of two or three, Jesus will be present among them and God will answer their prayers.

Never be ashamed of your faith."

Hindi naman nabanggit kung ano ang relihiyon ng mga babaeng estudyante ngunit makikita ang taimtim nilang pagdarasal. At ang hinangaan pa ni Baltazar ay kahit na sila ay nasa isang pampublikong lugar ay hindi nila ikinahihiya ang kanilang ginagawang pananampalataya.


Hinangaan rin ng mga netizens ang mga mag-aaral na ito dahil kahit na sila ay bata pa lang ay malakas na ang kanilang pananalig sa Panginoon. Karamihan kasi sa mga kabataan ngayon ay nawawalan na ng oras para makapagbigay puri sa Maykapal at hindi na marunong manampalataya.

Kaya naman hanggad ng ilan na sana ay tularan ng mga kabataan ang mga estudyanteng ito dahil ang lahat naman ng ating buhay ay mula sa Panginoon. Kung di dahil sa kanya ay wala rin tayo dito ngayon sa mundo.

Source: Facebook

Comments

Popular posts from this blog

Ito ang Benepisyo ng Paglagay ng Sibuyas sa Loob ng Medyas sa Paa na Dapat Ninyong Subukan!

Natural at Mabisang Paraan Para Mawala Ang Mga Langgam sa Bahay

Pagkakaroon ng Nasal Polyps sa Loob ng ilong: Ano ang Ibig Sabihin nito?

Uminom ng Nilagang Dahon ng Guyabano! Ito pala ang Magandang Epekto nito sa Ating Kalusugan!

Ayon sa mga Eksperto, Ang Pagtaas ng Binti ng 20 Minuto ay Limang Benepisyong Hatid sa Ating Sistema!