Silipin ang Pinaghirapang Bahay ni Maja Salvador Para sa Kaniyang Pamilya




Masarap sa pakiramdam ang makatanggap ng mga regalo lalo na kung ito ay nagmula sa ating mga mahal sa buhay. Sila kasi ang mas nakakaalam kung anu-ano ang mga bagay na gusto o kailangan natin kaya naman madalas ay natutuwa tayo sa mga inihanda nilang sorpresa para sa atin. Isa na nga siguro sa mga bonggang regalo na maaari nating matanggap mula sa kanila ay ang pagkakaroon ng sarili nating bahay. 

Ganito ang ginawa ng sikat at batikang aktres na si Maja Salvador. Pinagawaan niya ng sariling bahay ang kaniyang pamilya sa isang magandang subdivision sa lugar ng Antipolo, Rizal. Ang bahay na ito ay isa sa mga inspirasyon ng aktres para mas lalo pang pagbutihan ang kaniyang ginagawang trabaho sa mundo ng show business.


Nais ni Maja na maibigay ang pinaka-mainam na tirahan sa kaniyang pamilya kaya naman sinigurado niyang magiging maganda ang kalalabasan nito. Maliban nga sa malawak na espasyo sa loob at labas ng bahay ay naisipan rin ng aktres na lagyan ito ng iba’t ibang halaman hindi lamang pandagdag sa disenyo nito kundi para na rin magkaroon sila ng 

preskong hangin. Sa isang sulok nito ay makikita rin ang kanilang ‘mini garden’ na binubuo ng mga halaman at bulaklak na talaga namang nakaka-relax tingnan.




Samantala, pagpasok mo sa kanilang dalawang palapag na bahay ay makikita mo kaagad ang kanilang malawak na sala, kusina at dining area. Kulay puti at itim ang tema ng lugar na ito na mismong si Maja ang pumili dahil nais niyang maging maaliwalas tingnan ang lugar. Ang kaniyang ina naman na si Thelma Andres ay dinagdagan ng kulay pulang kagamitan ang unang palapag alinsunod na rin sa sinasabi ng Feng Shui.


Sa katunayan, halos lahat ng pagkaka-ayos ng mga kagamitan ay batay sa nasabing pilosopiya na nagmula sa mga Chinese.





Ang ikalawang palapag naman ng bahay ay kinulayan nila ng berde dahil ang paboriting kulay ng mag-ina. Dito rin matatagpuan ang kanilang mga kwarto, walk-in-closet at entertainment area para sa kanilang mga bisita.


Talaga namang bongga ang regalong bahay ni Maja para sa kaniyang pamilya kaya naman hindi siya nilulubayan ng mga pagpapala sa buhay lalo na marunong siyang magbalik ng pagmamahal sa mga taong naging instrumento para makamit niya ang tagumpay na tinatamasa niya ngayon.

Comments

Popular posts from this blog

Netizen Naawa At Tinulungan Ang Isang Lalaking Nag-order Lang Ng Isang Cup Ng Kanin At Tubig Sa Isang Fastfood Chain

Ninang Sa Binyag, Sapilitang Pinapabayad Sa Kanya Ang 3 Layer Cake At Mga Cupcake Ng Inaanak

Bata Naka-order Ng 42 Pirasong Chicken Fillet At Fries Dahil Sa 'Internet Connection Error'

Dating Aktres na si Thalia na Gumanap na Marimar, Ito na ang Buhay Niya Ngayon! Maganda Pa rin at Walang Pinagbago!

Ito ang Benepisyo ng Paglagay ng Sibuyas sa Loob ng Medyas sa Paa na Dapat Ninyong Subukan!