Silipin ang Simple at White Christmas Decorations ni Kathryn Bernardo sa Kaniyang Bahay




Ramdam na ramdam na nga ang diwa ng Kapaskuhan sa ating kapaligiran. Nariyan ang makukulay na mga parol at pailaw na talaga namang nakakatuwang tingnan. Hindi rin mawawala sa mga dekorasyong ito ang pinaka-popular sa lahat - ang Christmas tree.

Ito nga ang isa sa mga simbolo ng espesyal na pagdiriwang tuwing buwan ng Disyembre at ang ilan sa ating mga kababayan maging ang mga kilalang personalidad sa ating lipunan ay ginagawa ang lahat para ito ay magmukhang kaaya-aya batay na rin sa nais nilang disenyo.


Isa na sa kanila ang kilalang 'Box Office Queen' na si Kathryn Bernardo at kamakailan lang ay sinorpresa niya ang kaniyang mga tagahanga nang ibahagi niya sa Instagram account ang kakaiba niyang Christmas tree. Napapaligiran ito ng puting mga bulaklak at iba pang ornamentong pang-pasko at mas lalo pang pinatingkad ng kulay asul na mga pailaw. Ngunit ang talaga namang nakaka-agaw ng pansin sa lahat ay ang mga nakapalibot ditong polar bears!



"Finally feeling the Christmas spirit inside our home! These polar bears are simply the cutest thing to wake up in the morning," caption ni Kathryn sa ilang larawan na ibinahagi niya.

Nakadagdag nga sa ganda ng bahay ng aktres ang itinayo niyang Christmas tree sa gilid ng kanilang sala at nagustuhan din ito ng mga netizens na manghang-mangha sa kakaibang disenyo. Ito kasi ang unang pagkakataon na nakakita sila ng ganoong paraan ng pagkakaayos Christmas tree.




Samantala, naging posible ang gustong disenyo ng aktres dahil na rin sa tulong ng butihin niyang kaibigan na si Gideon Hermosa, isang kilalang designer.

"Thank you @gideonhermosa for making time despite your busy schedule. Everyone's feeling merrier now!," dagdag pa ni Kathryn.


Masaya rin si Gideon dahil napagbigyan niya ang hiling ng kaibigan na gawing mas maliwanag at masaya ang pasko sa loob ng kanilang bahay.

"You guessed it right! The owner of our #Gideonize magical Christmas tree is the one & only queen @bernardokath!," caption ni Gideon sa ilang larawan kasama ang aktres at ginawa niyang Christmas tree.

Comments

Popular posts from this blog

Nakatagpo Ang Isang Lalaki Ng Isang Kakaiba At Higanteng Hugis Na Itlog Sa Kanyang Lupain

Foreigner, Ilang Beses Naloko Sa Pinas Ngunit Di Sumuko At Pinagpatuloy Ang Pamumuhay At Paghahanap Buhay Dito

Naawa Ang Isang Netizen Sa Isang Matanda Na Inabot Na Ng Hating Gabi Sa Pagtitinda

Umani Ng Iba't Ibang Reaksyon Sa Mga Netizens Ang Isang Guro Na Mas Piniling Magresign Na Lamang Sa Pagtuturo

Anak Ng Isang Magsasaka Maswerteng Napakag-aral Sa Harvard University Ng Libre