Spoiled Brat Ginasgasan Ang Isang Mamahaling BMW Na Kotse Dahil Ayaw Bilhin Ng Kanyang Ama


Mayroong mga bata na kapag hindi nakukuha ang kanilang gusto ay gumagawa ng mga bagay na ikakadismaya ng kanilang mga magulang upang sila lang ay mapansin at mapagbigyan. Kaya naman bilang isang magulang ay hindi dapat laging iniispoil ang mga anak dahil dadalhin nila ito hanggang sa kanilang paglaki. 

Isang 22 taong gulang na lalaki na taga Jiangxi City of Shangrao sa China ay napabalita dahil sa pang-gagasgas ng isang brand new na BMW sa isang showroom. Ang lalaki na nakilala bilang si Ji Moubing ay nasa kanyang legal age naman ngunit noong umasta ay tila isang spoiled brat na bata.

Laking tuwa kasi niya nang makakuha na siya ng driver's license dahil pinangako ng kanyang ama na ibibili siya ng sasakyan bilang reward. Ngunit hindi naman nasabi ng ama kung anong klase o brand ang ibibili sa kanya.

Noong siya ay nasa BMW showroom ay ipinakita ng salesman ang kanilang mga binebentang sasakyan at natipuhan ni Ji ang isang kulay dark blue na BMW sedan. Nakita niya kasi rito ang lahat ng features na hinahanap niya sa isang kotse at alam niya na magugustuhan rin ito ng kanyang ama.

Tinawagan niya ang kanyang ama sa cellphone upang ipabili ang nasabing sasakyan. Hindi naging malinaw kung ano ang kanilang usapan ngunit tila tumanggi ang kanyang ama na bilhin ang kanyang natipuhang sedan. 

Sa galit nito ay kinuha niya ang mga susi at binalikan ang kotse at saka ginasgasan ang rear door ng mamahaling kotse. Dito na nagpanic ang salesman kaya tumawag na siya ng mga pulis.

Nakita sa CCTV na galit na galit si Ji matapos makipag-usap sa kanyang ama sa telepono kaya niya ginasgas ang kotse. Napaglaman na gustong gusto daw talaga nitong bilhin ang kotse ngunit hindi pumayag na bayaran ng kanyang ama. Upang mapilitang bilhin ng kanyang ama kaya niya ito ginasgasan.

Hindi naman na nabanggit kung ano ang mga sumunod na nangyari at kung binili ba o hindi ng kanyang ama ang kotse. Ngunit kailangan pa ring maturuan ng leksyon ang lalaking ito para hindi ma muling maulit ang ganitong insidente. 

Comments

Popular posts from this blog

Nagulat Ang Bride Matapos Magpakita Ang Dating GF Ng Kanyang Mapapangasawa Sa Mismong Araw Pa Ng Kanilang Kasal

Dahil Sa Pusa, Nabunyag Ang Tinatagong Sikreto Ng Mister Sa Kanyang Misis

Isosorpresa Dapat Ng Lalaking Ito Ang Kanyang Nobya Sa Kanyang Birthday, Pero Mas Nasorpresa Siya Nang Mahuli Niyang May Kayakap Itong Iba

Imbes Na Masaya Ay Mas Nalungkot Ang Lalaking Ito Sa Araw Ng Kanyang Graduation

Pinaka Bongga at Pinaka Mahal na Wedding ng mga Artista!