Tinaguriang Grab Food Mom, Nag Viral Habang Inaalagaan ang Kanyang Anak sa Oras ng Trabaho




Sa panahon ngayon, maraming mga kababaihan ang nag hahanapbuhay ng mga kinokonsiderang pang lalaking trabaho noon. Halimbawa, makakakita na tayo ng mga babae na nag tatrabaho bilang welder, laborer at truck drivers sa mga construction company. Kamailan lamang, maraming mga netizens ang pumuri sa isang babaeng tinawag nila bilang "GrabFood Mom" pag katapos na may makakita sa kanya na nag hihintay ng order sa labas ng Mcdonald's habang nag aalaga ng kanyang anak sa Bangsar, isang malapit na siyudad sa Kuala Lumpur, Malaysia.

Suot ang kanyang helmet at GrabFood bag sa kanyang likod, naka sabit naman ang isang baby carrier sa kanyang harapan. Makikita pa sa larawan na may isa pang batang babae na nakatayo malapit sa kanya na isa pa pala niyang anak. Maraming mga netizens din ang nalungkot at namangha sa "GrabFood Mom" na ito at sinabing ang mga nanay na katulad niya ay ang mga totoong bayani dahil ginagawa nila ang kanilang makakaya para maitaguyod ang kanyang pamilya habang naaalagan ang kanyang mga anak. Nalungkot naman ang ilan dahil sa kalagayan niya upang maitaguyod ang kanyang mga anak.



Sa pangatlong larawan, makikita ang isang lalaki na umaalalay sa kanya na pinapaniwalaan na ito ay kanyang asawa. Maraming mga netizens ang nag taka kung bakit siya nag tatrabaho bilang GrabFood driver. Sinabing na mayroong dahilan kung bakit siya nag tatrabaho sa Grab at marahil ay may isa ding trabaho ang kanyang asawa. Ng nag viral si "GrabFood Mom", nabasa ito ng kanyang asawang si Mohamad Hafifi. Lumabas pala na siya ang nag tatrabaho bilang GrabFood driver at hindi ang kanyang asawa. Ayon kay Hafifi, nag tatrabaho siya bilang GrabFood driver bilang kanyang pangalawang trabaho ng anim na buwan na.



Noong isang gabi, nakatanggap siya ng order mula sa isang customer na nag order ng McDonald's habang nasa bahay siya. Dahil nagugutom ang kanyang asawa at gusto din bumili ng ice cream ang kanyang mga anak sa McDonald's, tinanggap niya ang order. Dahil doon din siya papunta, naisip niyang isabay nalang ang pag bili ng pagkain at order ng kanyang customer. Maswerte din dahil ang bahay ng kanyang customer ay malapit lang sa bahay nila. Ngunit habang ang "GrabFood Mom" ay asawa pala ng GrabFood driver, masaya ang mga netizens para sa kanilang pamilya dahil nakahanap sila ng paraan upang kumita at makapag bonding ang pamilya.

Comments

Popular posts from this blog

Foreigner, Ilang Beses Naloko Sa Pinas Ngunit Di Sumuko At Pinagpatuloy Ang Pamumuhay At Paghahanap Buhay Dito

Ganito Pala ang Nakakainspire na Paraan ng Bread Talk Kung Paano Nila Inuubos ang Kanilang Paninda na Hindi Nabenta!

Babae Hindi Sinasadyang Mabasag Ang Banga Ng Kanyang Ama Na Naglalaman Ng Limpak-limpak Na Pera

Netizens Naawa At Tinulungan Ang Isang Vendor Na Na-impound Ang Motor Na Ginagamit Niyang Panghanap-buhay

Isang Basurero Nakapulot Ng Kalahating Milyon Sa Basura Isinauli Sa May-ari At Nakatanggap Ng Pabuya