Top 10 Young Millionaire Celebrities ng Ating Henerasyon Ngayon!




Kilananin natin ang sampung mga aktor at atres ng henerasyon ngayon na bukod sa pagiging sikat at talented, sinasabing sila ay ang may pinaka malaking kita sa showbiz.

Top 10 - Julia Baretto

Ang Kapamilya actress na si Julia Barretto ay isa sa pinaka sikat na batang artista sa showbiz industry ngayon. Siya ay 22 years old at lumabas sa mga pelikula at teleseryeng pinagbidahan niya. Sinasabing ang estimated net worth ng aktres ay umabot ng 95 Million Pesos.

Top 9 - Liza Soberano

Ang 21 year old na actress na si Hope Elizabeth "Liza" Soberano ay unang lumabas sa 2014 na teleseryeng "Forevermore". Ipinakita niya ang kanyang galing sa pag arte rito kaya naman bumida siya sa iba't ibang pelikula kagaya ng: Alone/Together, My Ex and Whys, Everyday I Love You, at marami pang iba. Siya rin ay isang modelo ng mga kilalang produkto. Si Liza ay itinuring din bilang pinaka magandang babae sa buong mundo ngayong 2019. Siya ay may net worth na 120 Million Pesos.

Top 8 - Nadine Lustre

Si "Nadine" Alexis Paguia Lustre ay isang 25 year old na Kapamilya actress na sumikat noong bumida siya sa film adaptation ng sikat na wattpad novel na Diary ng Panget noong 2014. Siya ay isang dating miyembro at vocalist ng grupong Pop Girls. Sinasabing may 150 Million Pesos net worth ang dalaga mula sa kanyang pag-acting, modeling, guesting, recording at iba pang mga proyekto.

Top 7 - Julia Montes

Unang nakilala ang child star na si Julia Montes sa pamamagitan ng TV show na Goin' Bulilit. Mas lalong umusbong ang kanyang karera sa showbiz noong gumanap siya bilang Clara del Valle noong ni-remake ang sikat na teleseryeng Mara Clara noong 2010. Hindi lang kilala si Julia bilang isang aktres, dahil marami din siyang ineendorsong mga produkto. Si Julia ay may net worth na 188 million pesos.

Top 6 - James Reid


Si James Reid ay isang Filipino-Australian na aktor, singer, songwriter, dancer record producer at model. Nag simula siya sa showbiz noong sumali at nanalo siya sa Pinoy Big Brother: Teen Clash noong 2010. Ayon sa mga balita, si James ay may estimated net worth na 202 million pesos.

Top 5 - Enrique Gil

Ang 27 years old na Kapamilya actor na ito ay isang sikat na singer at dancer.Si Enrique ay ang on-screen at off-screen partner ni Liza Soberano. Ang kanilang love team ay tinawag bilang LizQuen. Si Enrique ay sinasabing may estimated net worth na 280 million pesos.

Top 4 - Alden Richards

Kilala bilang Ang Pambansang Bae, si Alden Richards o Richard Reyes Faulkerson Jr. sa totoong buhay ay sumikat noong itinambal siya kay Maine Mendoza. Nakilala ang kanilang loveteam bilang AlDub sa pamamagitan ng noontime show na Eat Bulaga. Ayon sa mga report, ang Kapuso actor na si Alden ay may net worth na 350 million pesos.

Top 3 - Kathryn Bernardo


Si Kathryn ay bumida sa remake ng Mara Clara kung saan gumanap siya bilang Mara noong 2010. Pinag bidahan din niya ang iba't ibang teleserye kagaya ng Princess and I, Got to Believe, Pangako Sa 'Yo, at La Luna Sangre (2017-2018). Ang kanyang latest 2019 movie na Hello, Love, Goodbye ay ang pinakamataas na grossing Filipino film of all time. Kaya naman hindi nakakapag tataka kung may estimated net worth si Kathryn ng 500 million pesos.

Top 2 - Maine Mendoza

Si "Dubsmash Queen" Maine Mendoza ay isa sa pinaka sikat na aktres sa showbiz industry ngayon. Ang 24 years old na Kapuso actress ay may estimated net worth na 580 million pesos.

Top 1 - Daniel Padilla


Ang 24 years old na Kapamilya actor, Daniel Padilla ay binansagan bilang "Teen King" at "King of Hearts" ng kanyang mga taga hanga. Bumida si Daniel sa iba't ibang teleserye at pelikula kaya naman siya ay ang pinaka mayamang young star na may estimated net worth na 1 billion pesos.

Comments

Popular posts from this blog

7 Celebrities Who Were Romantically Linked to Vic Sotto Before He Married Pauleen Luna

Ibinahagi Nina Maine Mendoza at Arjo Atayde ang Pagdiriwang ng Kanilang First Anniversary Bilang Magkasintahan

Wala Talagang Iwanan! Si Bantay At Muning Kasama Sa Paglilipat Ng Bahay

Cherry Blossoms Malapit Nang Tumubo Sa Baguio Dahil Mayroong Nagdonate Na Mga Japanese

Dating Aktres na si Thalia na Gumanap na Marimar, Ito na ang Buhay Niya Ngayon! Maganda Pa rin at Walang Pinagbago!