Viral ang Guro na Gumamit ng Kulambo Sa Klase Para Iwas Makagat ng Lamok ang Kaniyang mga Estudyante




Usap-usapan ngayon sa social media ang larawan kung saan gumamit ng kulambo o mosquito net ang isang guro para proteksyonan ang kanyang mga estudyante laban sa lamok. Natuwa ang mga netizen sa pagiging maalahanin ng guro para sa kanyang estudyante lalo pa at uso ngayong tag-ulan ang dengue. Makikita sa larawan na nakapaloob sa kulambo lahat ng estudyante habang nagtuturo ang guro.

Ang larawan ay ibinahagi ng Tatak Mindanao kung saan umani ito ng maraming papuri mula sa mga netizen. Kita naman na nakikinig ng maigi ang mga bata habang nasa harapan at nagtuturo ang kanilang guro. Hindi naman natukoy sa post kung saang lugar nakuha ang litrato. Gayunpaman, isang magandang ideya ang ginawa ng guro dahil nagpapakita lang siya ng malasakit at pagmamahal sa kanyang estudyante.





Ang naturang post ay umabot na sa 16 thousand share at mahigit 3 thousand reaksyon. Ayon sa nag post na si Mer Grace Garcia bihira naman ung mga ganitong guro na may malasakit. Ung iba wala namang paki kahit kaya dapat ung hinihingi nilang salary increase nakadepende din sa boto ng mga magulang. Less votes/No votes, no increase.

Ayon naman sai bang komento katulad ni Imelda IbaƱez Valencia Ramos, May mabuting puso daw ang guro at malasakit sa mga tinuturuan Nia d tulad Ng iba mairaos lang nila ang maghapong pagtuturo wala na silang paki sa kaligtasan ng mga bata. Dagdag pa nito, masarap matulog sa klase kapag may ganitong kulambo at may kasamang malamig na simoy ng hangin mula sa electric fan. 



Comments

Popular posts from this blog

7 Celebrities Who Were Romantically Linked to Vic Sotto Before He Married Pauleen Luna

Ibinahagi Nina Maine Mendoza at Arjo Atayde ang Pagdiriwang ng Kanilang First Anniversary Bilang Magkasintahan

Maswerte ang Housemaid ni Pia Guanio Dahil Isinasama Ito sa Ibang Bansa at Ipinag-aral pa Ito ng Aktres ng Cooking Class

Pinoy Celebrity stars in their 30's: How They Looked 10 Years Ago

Dating Aktres na si Thalia na Gumanap na Marimar, Ito na ang Buhay Niya Ngayon! Maganda Pa rin at Walang Pinagbago!