Viral Na Tindahan Na "7-Evelyn", Pinapatanggal Ng Store Manager Ng 7-Eleven


Ang mga Pinoy ay mahilig na pagkatuwaan o lagyan ng twist ang pangalan ng kanilang mga negosyo. Minsan ay hinahango nila ito sa mga sikat na pangalan sa industrya kaya naman ang kinalalabasan ay kakaiba at minsan ay nakakatuwa.

Ngunit ayon sa Intellectual Property Code ng Pilipinas, mayroong karapatan ang mga establisyemento na maproteksyunan ang kanilang trademarks, trade-names, at service marks upang hindi ito makopya at magamit ng ibang negosyo.

Ang tindahan na ito sa Agusan del Norte na ibinahagi ng netizen na si Chad Gray Jet Pazaol sa kanyang Facebook account ay nag-viral lang kamakailan dahil ginaya ng may-ari ang disenyo ng sikat na convenience store dito sa Pilipinas.

Ngunit imbes na 7-Eleven ang pangalan ng sari-sari store ay ginawa nilang "7-Evelyn" na siya namang ikinatuwa ng mga netizens dahil maging ang trademark at kulay ay kanilang ginaya.

Ngunit matapos magviral ang larawan ay ilang araw lang ang nakalipas nang puntahan sila ng isang  manager ng 7-Eleven at pinapatanggal ang karatulang "7-Evelyn" sa kanilang tindahan. 

Ayon sa may-ari ng tindahan, noong una ay katuwaan lang daw ang paggamit ng pangalan na iyon sa kanilang tindahan at hindi lang nila lubos akalain na magvi-viral sa social media ang kanilang negosyo.

Nagbigay naman ng kani-kanilang suhesyon ang mga netizens sa social media sa kung anong magandang gawing pamalit sa dating "7-Evelyn" na sari-sari store. Ngunit mayroon pa ring nais manatili ang pangalan na iyon ng tindahan at sa halip ay baguhin na lamang ang kulay at logo nito.

Minsan kasi ang panggagaya ng mga pangalan ng mga brands o establisyemento ay nakakapagdulot ng pagkalito sa mga mamimili. Kaya naman kahit na gaano man ito nakakatuwa para sa iba ay mas makakabuti pa rin sa bawat negosyo, maliit man o malaki na magkaroon na lang ng sarili at unique na pangalan at huwag nang manggaya sa pangalan ng iba.

Source: FacebookFacebook

Comments

Popular posts from this blog

Nagulat Ang Bride Matapos Magpakita Ang Dating GF Ng Kanyang Mapapangasawa Sa Mismong Araw Pa Ng Kanilang Kasal

Dahil Sa Pusa, Nabunyag Ang Tinatagong Sikreto Ng Mister Sa Kanyang Misis

Isosorpresa Dapat Ng Lalaking Ito Ang Kanyang Nobya Sa Kanyang Birthday, Pero Mas Nasorpresa Siya Nang Mahuli Niyang May Kayakap Itong Iba

Imbes Na Masaya Ay Mas Nalungkot Ang Lalaking Ito Sa Araw Ng Kanyang Graduation

Foreigner, Ilang Beses Naloko Sa Pinas Ngunit Di Sumuko At Pinagpatuloy Ang Pamumuhay At Paghahanap Buhay Dito