Wala Talagang Iwanan! Si Bantay At Muning Kasama Sa Paglilipat Ng Bahay


Mayroong mga tao na nangungupahan lamang ng mga bahay kaya kung naisipan nilang lumipat sa ibang lugar ay hakot-hakot nila lahat ng kanilang mga gamit. Mahirap ito kung iisipin dahil ieempake mo lahat ng iyong mga kagamitan at titiyakin na wala kang maiiwan. 

Ang mga ilan na mayroong mga alagang hayop ay minsan ay ipinapamigay na lamang nila ito o di kaya ay iniiwan dahil mahihirapan sila sa pag-bibyahe ng mga ito. 

Ngunit ang isang Facebook post na ibinahagi ni Nits Javier sa page na Guardians of the Fur ay nag-viral dahil makikita na bitbit ng isang maliit na jeep ang mga kagamitan sa bahay na tila maglilipat sa bagong tirahan. Pero ang mas naging kapansin-pansin ay ang mga alagang hayop na aso at pusa na nakasabit at kasama sa paglilipat.

Aniya sa caption,

"Naglipat bahay... walang iwanan, sama lahat."

At dahil punong-puno na ng gamit ang sasakyan, ay isinabit na lamang ang mga alagang hayop. Ngunit tiniyak naman na safe at komportable ang mga ito kahit na nakasabit. 

Ang mga alagang pusa kahit na nakalagay sa isang pet cage ay mayroong mga sapin. Ang mga aso naman ay nakalagay sa mga sako na labas naman ang kanilang mga ulo upang hindi makatalon o makawala habang umaandar ang sasakyan papunta sa kanilang destinasyon.

Pinuri naman ng mga netizens ang kung sino man naglilipat ng bahay na ito dahil isinaalang-alang nila ang kanilang mga alaga at hindi nila iniwan. Narito ang mga ilang komento ng mga netizens.

"Buti nga yan sinama lahat di tulad ng iba pag lipat hindi sinama.

Happy ako sa effort niya kahit ganyan lang yan at least walang naiwan.

Kawawa mga aso pero I'm so happy na dinala nilang lahat mga pets nila."

May ilang netizens na hindi sumang-ayon at hindi natuwa sa pagkakalagay ng mga hayop sa sasakyan. Ngunit giit ng ilan na mas importante ang naisama sila kaysa naman inaband0na sila.

Source: Facebook

Comments

  1. Ok lang yan, Nakakahinga naman c bantay kay sa iwanan mas lalong kawawa sila. Tulad din ako sa kanila ayaw kong iwanan mga alaga ko dahil para ko na clang pamilya...

    ReplyDelete
  2. mukang nag eenjoy naman si doggy sa joyride nila..binabantayan din sila nila mingming.. 😊😊😊😊❤️❤️❤️

    ReplyDelete
  3. ako man d ko iiwan mga alaga ko kasi madalas po ako nag-iisa sa bahay kasama ko pusa at mga alaga kong aso si bruno, empress, akira, tisay , paloma at si chippy lahat po sila inampon ko kasi inayawan sila ng kanilang amo. salamat sa mga taong mapagmahal sa mga hayup.

    ReplyDelete

Post a Comment

Popular posts from this blog

Ito ang Benepisyo ng Paglagay ng Sibuyas sa Loob ng Medyas sa Paa na Dapat Ninyong Subukan!

Natural at Mabisang Paraan Para Mawala Ang Mga Langgam sa Bahay

Pagkakaroon ng Nasal Polyps sa Loob ng ilong: Ano ang Ibig Sabihin nito?

Uminom ng Nilagang Dahon ng Guyabano! Ito pala ang Magandang Epekto nito sa Ating Kalusugan!

Ayon sa mga Eksperto, Ang Pagtaas ng Binti ng 20 Minuto ay Limang Benepisyong Hatid sa Ating Sistema!