Posts

Showing posts from January, 2020

Aso Nailigtas Na Matapos Ma-Trap Ng 15 Days Sa Volcano Island Na Walang Mainom At Makain

Image
Ilang linggo na ang nakalipas matapos pumut0k ang Bulkang Taal. Bagamat hindi pa talaga pinapayuhan ang ating ibang kababayan na bumalik sa kanilang mga naiwang bahay lalo na ang mga nasa mismong volcano island, ay mayroong ibang mga naninirahan doon na naglalakas loob na isalba ang mga naiwang mga gamit.
Napabalita rin ang mga kaawa-awang hayop na naiwan sa isla at hindi na nai-rescue. Ngunit sa pagkakataong ito, isang maswerteng aso ang nanatiling buhay at nailigtas na kahit na ito ay naiwan sa isla simula noong pagput0k ng bulkan.
Sa isang video na ibinahagi ng Facebook user na si Germie Balba ay makikita ang pagsagip sa isang kawawang aso na natabunan ng abo dahil sa pagput0k ng Taal volcano. 
Kwento ng may-ari ng aso na si Jhay-R Balba, hindi nila inaasahan na buhay pa ang kanilang alagang aso ngunit noong napadaan ito sa may bintana ng kanilang dating bahay ay narinig niyang mayroong umungot. Noong sinilip niya ito ay naroroon ang kanilang aso na si Idol, buhay ngunit nanghihin…

Pinoy Matapang Na Ipinagtanggol Ang Isang Delivery Man Dahil Sa Ginawa Ng Isang Babaeng Chinese

Image
Dahil sa pagdagsa ng turismo dito sa ating bansa, mayroong ibang mga dayuhan na mas pinipili na lamang manirahan dito sa Pilipinas. Nunit kahit na dumarami na ang mga dayuhang Chinese dito, ay hindi ibig sabihin na pwede na nila tayong maliitin at bastusin.

Ang netizen na nag-ngangalang Trix sa Twitter ay nagbahagi ng isang video na kung saan ang isang Pinoy at isang babaeng Chinese ay nakuhanang nagtatalo sa labas ng isang establisyemento.

Sa nasabing video ay mainit na nagsasagutan ang dalawa dahil ipinagtatanggol lamang ng Pinoy ang kanyang kapwa na isang delivery man. Nauna raw kasi ang Chinese na sinigaw-sigawan at sinaktan pa di umano ang delivery man dahil ayaw daw ibigay nito ang package na kanyang idinedeliver.

Isa kasi sa mga requirement ng mga courier o mga shipping company na mag-presenta ng ID ang receiver upang ma-validate kung siya nga ba ito. Ngunit sa nangyaring ito ay walang maipakitang ID ang babaeng Chinese sa delivery man kaya ito nagalit sa lalaki.

Mabuti na lam…

Grade 12 Student, Ginuhit ang Idolong si Kobe Bryant Sa Pamamagitan ng Chalk Art

Image
Pinuri sa social media ang isang grade 12 student matapos nitong iguhit sa pisara gamit ang chalk ang kanyang iniidolong si NBA legend Kobe Bryant. Matapos masangkot sa isang helicopter f@ll nitong Enero 26 si Kobe at ang kanyang dalagitang anak, nagdadalamhati rin ngayon ang kanyang mga Pilipinong taga suporta.
Lahat ng pinoy fans ay nalungkot sa masamang balita na puman@w na si Byant sa edad na 41 anyos. Kaya naman isa ang grade 12 student na si John Herbert Santiago ang nagbigay-pugay sa NBA superstar na si Kobe Bryant. Iginuhit ni John si Bryant sa pisara ng kanilang classroom gamit lamang ang chalk.



Labis na hinangaan ng mga netizen ang talento ni John sa pagguhit dahil kuhang-kuha kasi nito ang mukha ni Kobe. Nakapagbigay rin ito ng munting kasiyahan sa mga netizen lalo na sa mga fans ni Bryant.
Si John Herbert ay kasalukuyang nag-aaral sa Panipuan High School at dahil natuwa naman ang kaniyang class adviser sa kanyang iginuhit ay hindi na ito ipinabura pa. Samantala, may iba p…

Kakaibang Pagbati ng Tatay Para sa Kaniyang Anak Dahil sa Pag-pasa ng Board Exam, Nag-viral Sa Social Media!

Image
Sadyang walang masidlan ng saya ang nararamdaman ng mga magulang kapag nakapasa sa pagsusulit o kaya’y may nakamit na karangalan ang kanilang mga anak. Kagaya na lamang ng tatay ni Romerson Nanao kung saan proud na proud ang kanyang ama matapos siyang pumasa sa Engineering licensure exam.
Sa viral post ni Romerson, damang-dama ng mga netizens na maligayang-maligaya at proud pa ang tatay niya sa kanya. Gamit ang karton at pentelpen, ipinaskil sa harap ng kanilang gate ng ama ni Romerson ang mga katagang “Congrats Son! Engr. Romerson Nanao #4143- Passed”.



Labis namang nagpapasalamat si Romerson sa pabati ng kanyang ama. Sa simpleng pagbati lamang nito ay ramdam niya ang pagmamahal ng kanyang tatay para sa kanya. Samantala, naantig naman ang damdamin ng mga netizens sa ginawang effort ng tatay ni Romerson. Batid rin nila ang sayang nararamdaman nito para sa anak.
Isang karangalan na para sa mga magulang ang makapagpatapos sila ng kanilang mga anak. At mas higit pa sa kasiyahan kung naka…

Isang Guro na Buntis na Kailangan Pang Umakyat ng Bangon, Tumawid ng Dagat at Maglakad ng 2 Oras Para Makapagturo

Image


Mahalaga ang tungkulin ng mga guro sa ating komunidad. Sila ang tumatayong pangalawang magulang sa mga estudyante at tumutulong ang mga ito sa paghubog ng mga bata upang sila ay lumaki nang maayos, may disiplina at may magagandang asal. 
Higit pa roon ay instrumento rin ang ating mga guro upang magkaroon ng mas magandang kinabukasan ang mga mag-aaral, kaya naman hindi rin talaga biro ang kanilang propesyon. 
Swerte ang mga nakakatanggap ng maayos na benepisyo ngunit ang ilan sa kanila ay maraming dinaranas na paghihirap lalo na ang mga nagtuturo sa mga liblib na lugar sa malalayong probinsya.
Katulad na lamang ng isang dakilang guro na nagngangalang Jay Ann Salibio sa isang isla sa may Occidental Mindoro.

Si Teacher Jay Ann ay nagtuturo sa Patag Elementary School Annex at hindi madali ang sinusuong nito para lamang magampanan ang tungkulin na kanyang sinumpaan. 



Malayo sa kabihasnan ang nasabing paaralan kaya naman upang makarating doon ay kailangan niya pang tumawid ng dagat, umakyat ng b…

Hinalungkat ng mga Crew ang Basurahan ng Restaurant na Ito Matapos Mawala ng Customer ang Kaniyang Singsing

Image


Maraming bagay ang dapat isaalang-alang sa pagsisimula ng negosyo lalo na kung ito ay isang kainan. Nariyan ang pagsisigurong masarap at malinis ang mga pagkain na ating inihahain pati na rin ang lugar na gagamitin ng ating mga customers. Mahalaga rin na alam natin kung papaano ang tamang pakikitungo sa kanila upang madama nila ang ating pagpapahalaga sa kanilang pagtatangkilik ng ating negosyo. Ngunit hanggang saan nga ba ang kaya nating gawin para magawa ang bagay na ito?
Sa isang restaurant sa Malaysia ay talaga namang naipakita ng mga crew kung gaano sila kaseryoso sa pagpapahalaga sa kanilang mga customer. Hindi nila alintana ang paghahalungkat sa napakaraming plastic ng mga basura para lang mahanap ang mahalagang bagay na naiwan ng customer sa kanilang kaninan.
Ang kwentong ito ay ibinahagi mismo ng customer na nakilalang si Daryl William Bridger sa kaniyang Facebook post. Kumain sila ng kaniyang asawa sa Fatty Crab restaurant noong ika-12 ng Enero at dahil napasarap sila sa pagka…

Netizens, Naantig Sa Isang Pulubi Na Nakikipaglaro Sa Kanyang Alagang Aso

Image
Madalas sa mga bahay-bahay natin ay nag-aalaga tayo ng mga hayop partikular na ang mga aso dahil sila ang nagsisilbing taga-bantay. Marapat rin na sila ay inaalagaan, pinapakain, at binibigyan ng matutulugan dahil nagiging parte na rin sila ng ating buhay. 
Ngunit para sa isang taong walang pera, walang matirhan, at walang makain, mapapaisip ka na lang kung kaya pa ba nilang mag-alaga ng hayop samantalang ang kanilang sarili ay hindi na nila maalagaan.
Iyan ang ikinamangha ng mga netizens matapos magviral ang larawan ng isang matandang lalaking pulubi na nakitang nakikipag-laro sa kanyang alagang aso habang sila ay nasa gilid ng kalsada. Gamit ang isang basyong bote ay iyon ang tila ipinapalaro ng matanda sa aso. 
Ibinahagi ang mga larawan ng isang Facebook page na Furr Station na kung saan nilagyan ito ng caption na, "Poor by money but rich of heart. God bless you Tay."
Agad na umani ng magandang reaksyon ito sa mga netizens dahil kahit sa estado at kalagayan ng buhay ni T…

Amo na Nag-regalo ng Cellphone ang Kanyang Empleyado, Viral sa Social Media!

Image
Napa-wow ang mga netizen matapos makatanggap ng mamahaling cellphone ang isang empleyado mula sa kanyang amo. Natuwa at pinuri ng mga netizens ang pagiging mapagbigay ng amo sa kanyang empleyado. Makikita sa video na mataas ang respeto ng may-ari sa kanyang mga empleyado kaya naman walang pag-aalinlangan na binilhan niya ng bagong cellphone kanyang trabahante.
Pagmamay-ari ng amo ang Sabrinacio Footwear kung saan nagtatrabaho ang dalawang lalaki na nasa video. Ayon sa may-ari, pangunahing asset niya sa kanyang negosyo ay kanyang mga empleyado. Dapat umano na bigyan sila ng importansya dahil sila ang mga katuwang ng amo sa kanilang negosyo. Nararapat lamang daw na bigyang halaga rin sila dahil nangangailangan din sila ng oras at atensyon.




Ayon sa may ari ng Sabrinacio Footwear, kung inaalagaan moa ng iyong mga empleyado ay aalagaan din nila ang iyong mga customer at business. Isa sa mga asset ng isang negosyo ay ang mga tao kaya naman dapat pahalagahan din sila at bigyan ng importansy…

Batang Walang Computer, Hinahayaang Makigamit Ng Tab Sa Isang Gadget Store Para Makagawa Ng Assignment

Image
Dahil sa mabilis na pag-usbong ng ating teknolohiya, ang mga estudyante ngayon ay mabilis ng nakakagawa ng kanilang mga takdang aralin o research. Sa kanilang gamit ng gadget at internet ay isang pindot lang at lalabas na ang lahat ng resultang kanilang hinahanap.
Ngunit ang sampung taong gulang na batang ito na nakilala bilang si Guilherme Santiago na isang Grade 5 student sa Abilio Gomes Municipal School ay nakahanap ng paraan upang magawa ang kanyang mga assignment nang hindi bumibili ng gadget o di kaya ay nagbabayad ng internet sa computer shop.
Si Guilherme ay mula sa isang mahirap na pamilya na kung saan wala silang computer. Maging ang kanilang paaralan ay kulang ang mga tablets na maaaring gamitin ng mga bata. 278 ang bilang ng mga estudyante roon ngunit 12 lamang ang mga tablets na magagamit. Maging ang internet sa kanilang paaralan ay limitado rin.
Sa halip ay pumupunta siya sa isang shopping center sa Recife City sa Brazil na kung saan ay doon niya ginagawa ang kanyang mg…

Inspiring Post ng Isang Doctor sa Kaniyang Tatay na Isang Pedicab Driver sa Pagsuporta Nito sa Kaniyang Pag-aaral

Image


Batid ng bawat magulang na ang pagtatapos sa pag-aaral ng kanilang mga anak ay isang malaking tulong upang mapaganda ang kanilang buhay sa hinaharap. Kaya naman lubusan ang pagsisikap na ginagawa nila para mapag-aral ang mga ito. 
Halos araw-araw silang nagtatrabaho upang masigurong masusuportahan ang mga anak hanggang sa pagtatapos nito sa kolehiyo at hindi nga matatawaran ang kanilang ginagawang pagsasakripisyo. Ganoon pa man, agad naman itong napapalitan ng walang katumbas na saya kapag nakita na nilang nagmamartsa sa entablado ang kanilang mga anak habang suot ang toga at hawak-hawak ang diploma na patunay ng tagumpay nila sa pag-aaral. 
Marami tayong mga kababayan na halos ganito ang kwento at isa na nga dito ang pedicab driver na ngayon ay mayroon ng anak na doktor! 

Ang kwentong ito ay ibinahagi mismo ng medical doctor student na si Marven Louie Badon Ragay sa kaniyang Facebook post kung saan pinasalamatan niya rin ang ama sa walang sawa nitong pagsuporta sa kaniyang mga pangarap.…

90 kilos na Yellowfin Tuna, Nahuli ng Tatlong Mangingisda sa Romblon

Image
Kilala ang Romblon bilang isang lalawigan na archipelagic ng Pilipinas na matatagpuan sa rehiyon ng Mimaropa. Kabilang sa mga pangunahing isla nito ang Tablas, ang pinakamalaking, na sumasakop sa siyam na munisipalidad, Sibuyan kasama ang tatlong bayan nito, pati na rin ang mas maliit na munisipalidad ng isla ng Corcuera, Banton, Concepcion, San Jose, at Romblon, ang kapital ng lalawigan. Ang lalawigan ay nasa timog ng Marinduque at Quezon, silangan ng Oriental Mindoro, hilaga ng Aklan at Capiz, at kanluran ng Masbate. Ayon sa senso noong 2015, mayroon itong kabuuang populasyon na 292,781.
Sagana marahil ang dagat sa Romblon dahil sunod-sunod ang mga nahuhuling isda sa lalawigan na ito. Nitong Linggo, nakahuli na naman ng isang malaking yellowfin na isda ang tatlong mangingisda. Ang isda ay umabot pa sa bigat na 90 kilos. Kaya naman tuwang-tuwa ang tatlong mangingisda na taga Barangay Agtiwa, San Fernando sa Sibuyan, Romblon.




Ayon sa nagbahagi ng larawan na si Jessa Royo, isang pambi…

Limang Epekto na Nangyayari sa Katawan sa Madalas na Hindi Pagkain ng Almusal

Image


Alam na ng lahat na ang almusal ay ang pinakamahalagang pagkain sa buong araw. Ang enerhiyang makukuha natin sa pagkain ng almusal ay ang gagamitin natin upang magawa ang lahat ng kailangan nating gawin sa araw-araw. Ngunit kung minsan ay dahil sa sobrang kaabalahan ng karamihan ay madalas na hindi na natin nagagawa pang kumain sa umaga.
Palagay ng iba ay hindi naman gaanong makakaapekto sa kanila ang pagliban ng almusal ngunit ito ay mali at sa katunayan ay may masamang epekto talaga ito sa katawan. 


Maniwala man kayo o hindi ay ito ang mga masamang epekto ng hindi pagkain ng almusal tuwing umaga:
1. Pagkakaroon ng mga karamdaman sa puso

• Ayon sa mga pag-aaral ay mas mataas ng 27 porsiyento ang posibilidad na makaranas ng pag-atake sa puso ang mga taong hindi kumakain ng almusal araw-araw. Maaaring magka-altapresyon ang mga ito at magsanhi ng pagkakabara ng mga malalaking ugat sa puso kaya para maiwasan ang mga s(a)kit sa puso ay dapat ugaliing kumain ng masustansyang pagkain tuwing uma…