90 kilos na Yellowfin Tuna, Nahuli ng Tatlong Mangingisda sa Romblon




Kilala ang Romblon bilang isang lalawigan na archipelagic ng Pilipinas na matatagpuan sa rehiyon ng Mimaropa. Kabilang sa mga pangunahing isla nito ang Tablas, ang pinakamalaking, na sumasakop sa siyam na munisipalidad, Sibuyan kasama ang tatlong bayan nito, pati na rin ang mas maliit na munisipalidad ng isla ng Corcuera, Banton, Concepcion, San Jose, at Romblon, ang kapital ng lalawigan. Ang lalawigan ay nasa timog ng Marinduque at Quezon, silangan ng Oriental Mindoro, hilaga ng Aklan at Capiz, at kanluran ng Masbate. Ayon sa senso noong 2015, mayroon itong kabuuang populasyon na 292,781.

Sagana marahil ang dagat sa Romblon dahil sunod-sunod ang mga nahuhuling isda sa lalawigan na ito. Nitong Linggo, nakahuli na naman ng isang malaking yellowfin na isda ang tatlong mangingisda. Ang isda ay umabot pa sa bigat na 90 kilos. Kaya naman tuwang-tuwa ang tatlong mangingisda na taga Barangay Agtiwa, San Fernando sa Sibuyan, Romblon.





Ayon sa nagbahagi ng larawan na si Jessa Royo, isang pambihirang pagkakataon na makahuli ang mga mangingisda ng ganitong kalaking isda sa kanilang lugar. Nitong Enero lang rin ng maibalita ang pagdagsa ng maraming isdang piyat at tolingan sa Barangay Sawang, Romblon.

Pinagpyestahan rin ito ng mga residente dahil sa nag-uumapaw ang mga isda sa kanilang bayan. Sadyang sagana talaga sa yamang-dagat ang Pilipinas. Kaya naman napakalaking biyaya na kung sakaling nakakuha ng ganyan kalaking isda.

Comments

Popular posts from this blog

Nagulat Ang Bride Matapos Magpakita Ang Dating GF Ng Kanyang Mapapangasawa Sa Mismong Araw Pa Ng Kanilang Kasal

Dahil Sa Pusa, Nabunyag Ang Tinatagong Sikreto Ng Mister Sa Kanyang Misis

Isosorpresa Dapat Ng Lalaking Ito Ang Kanyang Nobya Sa Kanyang Birthday, Pero Mas Nasorpresa Siya Nang Mahuli Niyang May Kayakap Itong Iba

Foreigner, Ilang Beses Naloko Sa Pinas Ngunit Di Sumuko At Pinagpatuloy Ang Pamumuhay At Paghahanap Buhay Dito

Imbes Na Masaya Ay Mas Nalungkot Ang Lalaking Ito Sa Araw Ng Kanyang Graduation