Amo na Nag-regalo ng Cellphone ang Kanyang Empleyado, Viral sa Social Media!




Napa-wow ang mga netizen matapos makatanggap ng mamahaling cellphone ang isang empleyado mula sa kanyang amo. Natuwa at pinuri ng mga netizens ang pagiging mapagbigay ng amo sa kanyang empleyado. Makikita sa video na mataas ang respeto ng may-ari sa kanyang mga empleyado kaya naman walang pag-aalinlangan na binilhan niya ng bagong cellphone kanyang trabahante.

Pagmamay-ari ng amo ang Sabrinacio Footwear kung saan nagtatrabaho ang dalawang lalaki na nasa video. Ayon sa may-ari, pangunahing asset niya sa kanyang negosyo ay kanyang mga empleyado. Dapat umano na bigyan sila ng importansya dahil sila ang mga katuwang ng amo sa kanilang negosyo. Nararapat lamang daw na bigyang halaga rin sila dahil nangangailangan din sila ng oras at atensyon.





Ayon sa may ari ng Sabrinacio Footwear, kung inaalagaan moa ng iyong mga empleyado ay aalagaan din nila ang iyong mga customer at business. Isa sa mga asset ng isang negosyo ay ang mga tao kaya naman dapat pahalagahan din sila at bigyan ng importansya. Tao din sila at napapagod kaya naman kailangan nila ng oras at atensyon at lalo nan a may halaga sila sayo. 

Sa video, nakatanggap ng maagang pamasko ang empleyadong nakasuot ng kulay asul na sando. Ang cellphone ay nagkakahalaga ng P7,000. Nang tanungin ng amo kung kailangan ito bibili ng cellphone, nasambit niya ay hindi umano niya alam dahil nag-iipon pa siya ng pera kaya naisipan ng amo na bumili na bilang regalo.

Comments

Popular posts from this blog

Netizen Naawa At Tinulungan Ang Isang Lalaking Nag-order Lang Ng Isang Cup Ng Kanin At Tubig Sa Isang Fastfood Chain

Ninang Sa Binyag, Sapilitang Pinapabayad Sa Kanya Ang 3 Layer Cake At Mga Cupcake Ng Inaanak

Bata Naka-order Ng 42 Pirasong Chicken Fillet At Fries Dahil Sa 'Internet Connection Error'

Dating Aktres na si Thalia na Gumanap na Marimar, Ito na ang Buhay Niya Ngayon! Maganda Pa rin at Walang Pinagbago!

Bagong Kasal, Sinabitan Ng Kapa Na Gawa Sa Pera Na Nagkakahalagang Php100k, Sana All!