Ang Lakas Naman ng Pundasyon ng Bahay na Ito! Nabilib ang mga Netizens sa Kakaibang Disenyo ng Isang Bahay na Ibinahagi sa Social Media!




Iba't iba ang mga disenyo ng bahay na nakikita natin sa ating kapaligiran. Mayroong malalaki at malalawak na bahay samantalang mayroon din namang mga maliliit at matataas. Para nga sa ilan, ang disenyo ng bahay ay mahalaga lalo na at isa ito sa mga sumisimbolo ng kanilang pagkatao at katayuan sa buhay. 

Sa paglipas ng panahon ay padami ng padami ang nagpapagawa ng bahay kaya naman pasikip ng pasikip rin ang mga espasyo na ating kinalalagyan. Sa kabutihang palad ay mayroong mga makabagong disenyo na naiisip ang mga arkitekto upang makagawa pa rin tayo ng magandang bahay sa kabila ng kawalan ng malawak na espasyo. 

Kaugnay nito, isang larawan ng bahay ang naging viral sa social media dahil sa kakaiba nitong disenyo na talaga namang nakaakit sa atensiyon ng mga netizens. Ibinahagi ito ng netizen na si Matheus Pereira Projetista sa kaniyang sariling Facebook account. 

Kung titingnang mabuti, konkreto at gawa sa semento ang nasabing bahay at mayroon itong dalawang bahagi. 


Sa unang palapag nito ay matatagpuan ang pinto ng bahay at kapansin-pansin na sobrang liit ng espasyo nito. Maaring hagdan lamang ang nandito dahil hindi magkakasya ang upuan o anu pa mang uri ng kagamitan sa loob nito. Samantala, ang pangalawang palapag naman ay mukhang nakalutang dahil mas malawak ang espasyo nito kumpara sa ibabang bahagi. Maliban dito ay makikita rin ang aircon na nakakabit sa nasabing gusali. 



Marami nga ang nagsasabi na matinding pagpaplano ang ginawa para maitayo ang ganitong uri ng bahay at nakakatuwang isipin dahil nakatayo pa rin ito sa loob ng mahabang panahon sa kabila ng mga bagyong dumaan. 




"Challenging physics, mathematics, gravity, engineering, space, time, NASA, Einstein, and the Holy Spirit," caption ni Matheus sa ibinahaging larawan ng bahay na matatagpuan sa Petare, Venezuela. 

Dahil dito, ang ilan sa ating mga kababayan ay nagkaroon ng ideya na gayahin ang ganitong disenyo lalo na at may kamahalan ang pagbili ng malawak na lugar para mapagtayuan ng bahay. Ikaw, sa tingin mo ba ay magandang tumira sa bahay na ito?

Comments

Popular posts from this blog

Lalaki, Nagsuot ng Mascot Costume Upang Surpresahin ang Nobya Ngunit Siya ang Nasurpresa

Isosorpresa Dapat Ng Lalaking Ito Ang Kanyang Nobya Sa Kanyang Birthday, Pero Mas Nasorpresa Siya Nang Mahuli Niyang May Kayakap Itong Iba

Hinangaan Ang Isang Ama Na Security Guard Na Kasama Ang Kanyang Anak Sa Duty Para Maalagaan

Pinoy Matapang Na Ipinagtanggol Ang Isang Delivery Man Dahil Sa Ginawa Ng Isang Babaeng Chinese

Magandang Foreigner Na-inlove Sa Isang Pinoy Tricycle Driver At Ngayon Ay Kanya Nang Asawa