Apat na Kontrobersiyal na Hiwalayan ng mga Celebrities sa Taong 2019




Ang paghihiwalay ng mga magkasintahan ay isang nakakalungkot na pangyayari ngunit hindi maiiwasan dahil may mga pagkakataong hindi talaga nagwo-work out ang relasyon kahit ano pang gawin natin. Sa dami ng mga nangyari sa taong 2019, hindi rin mawawala ang mga balitang hiwalayan ng mga sikat na personalidad sa showbiz. 

Narito ang 4 sa mga kontrobersyal na breakups noong nakaraang taon:

1. Catriona Gray at Clint Bondad


Ang anim na taong relasyon ng dating magkasintahan na Catriona at Clint ay nagtapos nitong Pebrero. Ayon kay Catriona sa isang panayam ay bago pa man ang Ms. Universe, na ginanap noong taong 2018 kung saan siya nanalo, ay may hindi na sila pagkakaunawaan ng dating nobyo. Naging mitsa ito ng pagkakaroon ng pader sa kanilang pagitan at kalaunan nga ay tuluyan nang nauwi sa hiwalayan. Gayun pa man ay mukhang maayos naman ang kanilang paghihiwalay dahil nagpost pa si Clint sa kanyang Instagram account na si Catriona pa rin daw ang pinakamagandang babae na nakilala nito.



2. Julia Barretto at Joshua Garcia


Ang tambalang Joshua at Julia, na tinawag na JoshLia ng kanilang mga fans, ay hindi talaga naging opisyal na magkasintahan pero sila ay naging malapit na sa isa’t-isa at sa katunayan nga ay ipinagdiwang pa nila ang anniversary ng kanilang love team ngayong taon rin mismo. Kaya naman ikinagulat ng kanilang mga tagasubaybay nang ianunsyo ng dalawa sa isang panayam nitong June 28 na sila ay bumalik na sa pagiging matalik na magkaibigan lamang at hindi na mauuwi pa sa mas malalim na lebel. Nilinaw nila na walang sangkot na 3rd party o kung ano man at sila ay magkakasama pa rin naman sa ibang mga proyekto.

3. Bea Alonzo at Gerald Anderson




Ang hiwalayang Bea at Gerald na ata ang isa sa mga pinaka-tinutukan ng mga tao ngayong taon. Nagsimula ito noong July 21 nang mag-post si Bea ng isang cryptic message sa kanyang Instagram, bagay na nagsimula ng mga tsismis na sila ni Gerald ay nagkakaproblema sa kanilang relasyon. Nagkaroon ng eskandalo noong kumalat na ang naging sanhi ng kanilang hiwalayan ay si Julia Barretto, na noo’y naging ka-tambalan ni Gerald sa isang pelikula. Ayon kay Bea, sa kanyang pagkakaintindi ay hindi naman sila naghiwalay ngunit bigla na lamang siya hindi kinausap ng aktor.

4. Pia Wurtzbach and Marlon Stockinger


Nagsimula ang relasyon ni Pia at Marlon noong taong 2016 at nabalitaang nagtapos na nitong Setyembre pa ngunit ngayong buwan ng Disyembre lamang ipinaalam sa madla. Nagkakilala ang dalawa sa Instagram noong panahon na si Pia pa ang may suot ng korona bilang Ms. Universe.

Comments

Popular posts from this blog

Nakatagpo Ang Isang Lalaki Ng Isang Kakaiba At Higanteng Hugis Na Itlog Sa Kanyang Lupain

Foreigner, Ilang Beses Naloko Sa Pinas Ngunit Di Sumuko At Pinagpatuloy Ang Pamumuhay At Paghahanap Buhay Dito

Naawa Ang Isang Netizen Sa Isang Matanda Na Inabot Na Ng Hating Gabi Sa Pagtitinda

Umani Ng Iba't Ibang Reaksyon Sa Mga Netizens Ang Isang Guro Na Mas Piniling Magresign Na Lamang Sa Pagtuturo

Anak Ng Isang Magsasaka Maswerteng Napakag-aral Sa Harvard University Ng Libre