Aso Nailigtas Na Matapos Ma-Trap Ng 15 Days Sa Volcano Island Na Walang Mainom At Makain


Ilang linggo na ang nakalipas matapos pumut0k ang Bulkang Taal. Bagamat hindi pa talaga pinapayuhan ang ating ibang kababayan na bumalik sa kanilang mga naiwang bahay lalo na ang mga nasa mismong volcano island, ay mayroong ibang mga naninirahan doon na naglalakas loob na isalba ang mga naiwang mga gamit.

Napabalita rin ang mga kaawa-awang hayop na naiwan sa isla at hindi na nai-rescue. Ngunit sa pagkakataong ito, isang maswerteng aso ang nanatiling buhay at nailigtas na kahit na ito ay naiwan sa isla simula noong pagput0k ng bulkan.

Sa isang video na ibinahagi ng Facebook user na si Germie Balba ay makikita ang pagsagip sa isang kawawang aso na natabunan ng abo dahil sa pagput0k ng Taal volcano. 

Kwento ng may-ari ng aso na si Jhay-R Balba, hindi nila inaasahan na buhay pa ang kanilang alagang aso ngunit noong napadaan ito sa may bintana ng kanilang dating bahay ay narinig niyang mayroong umungot. Noong sinilip niya ito ay naroroon ang kanilang aso na si Idol, buhay ngunit nanghihina.

Hanggang beywang ang lalim ng abo sa kwarto ng kanilang bahay na kung saan natabunan ang aso at sinikap nilang sibakin ang mga nakaharang na kahoy upang makalabas ito. 

Makikita na ang na-rescue nilang aso ay payat na at sumu-suray na ang paglalakad dahil labing limang araw itong na-trap sa volcano island na walang makain at mainom. Talagang milagro na lamang at nabuhay pa ito.

Nang makalabas ang aso ay ipinainom ito ng tubig at talaga namang uhaw na uhaw. Binigyan rin ito ng pagkain upang kahit papaano ay manumbalik ang kanyang lakas. 

Kwento ng may-ari na ngayon ay ligtas na ang kanilang alagang aso na si Idol at naging masigla na itong muli.

Maraming netizens ang naantig ang puso dahil sa kaawa-awang sinapit ng aso. Narito ang kanilang mga komento.

"Mabuti naman po at siya ay nakasurvive sa tagal na natabunan."

"Siguro po pinilit din nung aso na mabuhay siya dahil alam niyang babalikan niyo siya."

"Sana sa susunod wag na po iiwan mga alagang hayop."



Source: Facebook

Comments

Popular posts from this blog

Tinulungan Ng Mga Netizen Ang Isang Ama Na Nahilo Habang Nagtitinda At Karga-Karga Ang Anak

Nagdulot Ng Katatawanan Ang Nakain Ng Isang Netizen Na "Mantikang Baboy Ice Cream"

Netizen, Nahabag sa isang lalaking nagtitinda ng lobo na may kasamang anak na nakatulog

Inspiring Story ng 10 Year Old na Babae, Nagsilbing Magulang sa Dalawa Niyang Kapatid Matapos Iwanan ng Kanilang Ina

Kasambahay na Pinag-aral ng Kaniyang Amo, Nakapagtapos ng Cum Laude