Babaeng Na-0spital, Nakuha Pang Makapag Make-up Dahil Lang Bibisitahin Siya Ng Kanyang Nobyo


Alam naman natin na karamihan sa mga taong na-o0spital ay nagiiba ang kanilang itsura dahil hindi na sila makapag-ayos dahil sa kanilang sitwasyon o karamdaman. Ang iba ay namumutla, pumapayat, at mukhang matamlay. 

Pero ang isang Vietnamese influencer na ito ay tila hindi kayang ipakita sa kanyang nobyo ang maputla at hindi nakaayos na mukha. Kaya naman kahit na siya ay naka-0spital ay tinodo pa rin ang paglalagay ng make-up dahil lang bibisita ang kanyang nobyo.

Ayon sa site na WorldofBuzz, ang babae na nakilala bilang si Wangmei ay nag-alak matapos niyang malaman na bibisitahin siya ng kanyang boyfriend habang siya ay naka-confine. Dahil sa sobrang pagka-excited nito ay ipinost pa niya ito sa kanyang Facebook na may caption na, 

"My boyfriend is coming to see me!"

Imbes na makita ang kanyang totoong itsura ay agad namang nag-apply ng make-up si Wangmei. At hindi lamang simpleng make-up kundi talagang full-face make-up ang kanyang inilagay na may kasama pang plakadong kilay, blush-on, highlighter, eyeliner at pati false eyelashes!

Maliban rito ay nakuha pa niyang makapag-suot ng bonggang hikaw at makapag-kulay ng kanyang mga kuko kahit na mayroon pang nakakabit na oxygen sa kanyang ilong. 

Samantala, napuna naman ng mga netizens ang heavy make-up na kanyang inilagay na parang pupunta lamang siya sa gimikan. Maging ang kanyang naglalakihang hikaw ay napansin din dahil hindi na raw siya mukhang may sak!t dahil sa kapal ng kanyang make-up sa mukha at mga accessories sa katawan.

Wala namang masama sana kung nais lang niya na mag-ayos kahit konti upang maging mukhang presentable sa kanyang nobyo, ngunit sumobra na lang yata siya. At kung totoong mahal talaga siya ng kanyang nobyo ay matatanggap siya anu man ang maging itsura niya may make-up man o wala at mas uunahin na intindihin ang kalagayan niya kaysa sa kanyang itsura. 

Comments

Popular posts from this blog

7 Celebrities Who Were Romantically Linked to Vic Sotto Before He Married Pauleen Luna

Ibinahagi Nina Maine Mendoza at Arjo Atayde ang Pagdiriwang ng Kanilang First Anniversary Bilang Magkasintahan

Wala Talagang Iwanan! Si Bantay At Muning Kasama Sa Paglilipat Ng Bahay

Dating Aktres na si Thalia na Gumanap na Marimar, Ito na ang Buhay Niya Ngayon! Maganda Pa rin at Walang Pinagbago!

Maswerte ang Housemaid ni Pia Guanio Dahil Isinasama Ito sa Ibang Bansa at Ipinag-aral pa Ito ng Aktres ng Cooking Class