Bride, Naglabas Ng Sama Ng Loob Dahil Sa Ginawa Ng Palpak Na Wedding Organizer



Pangarap ng mga babae na matupad ang kanilang dream wedding. At hangad ng bawat ikakasal na maging masaya, maganda at talagang memorable ang araw na ito dahil minsan lang ito mangyayari sa kanilang buhay. 

Magsimula sa dekorasyon sa altar, motiff ng kasal, mga gown na isusuot hanggang sa kadulo-duluhang detalye ay tiyak na ang mga bride ang talagang gustong masunod ang bawat detalyeng napag-usapan. 

Ngunit imbes na maging smooth at stress free ang kasal ng isang bride na ito ay naging disaster pa dahil sa pinanggagagawa ng kanilang wedding organizer. 

Naglabas ng sama ng loob sa social media ang bride na si Charlene Ocampo Bernarte matapos ang kanyang kasal dahil sa kapalpakan at sa mga ipinangako na hindi naman natupad ng kanyang wedding organizer. 

Noong nagpa-plano pa lang ay nagkasundo na sila ng kanyang organizer kung anong disenyo ang para sa kanyang kasal. Sa unang larawan ay iyon ang disenyong ipinakita sa bride na gagayahin sana sa mismong araw ng kasal, ngunit sa pangalawang larawan ay ganito lamang ang set-up na ginawa na malayong-malayo ang itsura kumpara sa ineexpect ng ikakasal at sa kanilang napag-usapan.

"Kinuha ko kayo dahil ang gaganda ng sinend nyo sakeng design, pero ni isa sa mga sinend ko sa inyong design walang natupad!!!"

Dagdag pa niya na ang mga imbitasyon at mga gowns ay late ng dumating. Dumating ang mga invitations nila isang linggo bago ang kasal kaya ang iba sa mga inaasahan nilang bisita ay hindi na nakarating. 

"Invitations at mga suits ng bridesmaid at groomsmen pinagusapan naten last week ng December pero kelan dumating???? yung invitation dumating  1week before ng wedding kaya andaming di nakarating dahil unprepared sila. tapos yung GOWN AT DAMIT binigay nyo Dec 18, 2019 @10pm at yung kasal ko Dec 19!!"

Maging sa mismong reception ay sumablay ang pagkaka-serve ng pagkain dahil ang mga bisita ay nagsimula ng magutom dahil sa sobrang tagal ng serving time.

"Wala ng sasaket pa yung marinig mo yung mga tao na tara na alis nalang tayo dun nalang tayo kumain sa labas!!!"

Kwento ng bride na wala pa ang traditional program ay wala ng bisita dahil nagsiuwian na sa sobrang gutom. 

Isang napakasamang pangyayari ang sinapit ng ikakasal na dapat sana ay ang pinakamasayang araw sa buhay niya. Saad ng ilang mga netizens na dapat ay ireklamo niya at idemanda ang wedding organizer niya dahil sa hindi pagtupad sa kanilang napag-usapang kontrata. 

Source: Facebook

Comments

Popular posts from this blog

Netizen Naawa At Tinulungan Ang Isang Lalaking Nag-order Lang Ng Isang Cup Ng Kanin At Tubig Sa Isang Fastfood Chain

Ninang Sa Binyag, Sapilitang Pinapabayad Sa Kanya Ang 3 Layer Cake At Mga Cupcake Ng Inaanak

Bata Naka-order Ng 42 Pirasong Chicken Fillet At Fries Dahil Sa 'Internet Connection Error'

Dating Aktres na si Thalia na Gumanap na Marimar, Ito na ang Buhay Niya Ngayon! Maganda Pa rin at Walang Pinagbago!

Bagong Kasal, Sinabitan Ng Kapa Na Gawa Sa Pera Na Nagkakahalagang Php100k, Sana All!