Customer Feedback Box Sa LRT Station, Ginawang Donation Box Ng Mga Pasaway Na Commuter



Sinasabi na kaya hindi umuunlad ang ating bansa ay dahil pasaway at hindi marunong sumunod ang mga Pinoy. Kahit minsan na simpleng instructions na nga lang ay hindi pa ito nagagawa at nasusundan. Katulad na lamang ng mga simpleng batas na nilikha ngunit marami pa rin ang lumalabag. 

Trending sa social media ang post ng isang netizen na si Kyle Vince Dizon dahil sa di umanong hindi pagbabasa ng mga Pinoy. Ito ay dahil sa isang customer feedback box sa isang station ng LRT na ginawang donation box. 

Sa larawang nakuhanan ni Dizon sa Abad Santos LRT ticket booth ay makikitang malinaw na malinaw naman at mayroon pang napakalaking print na nakasulat sa box na ito ay isang 'CUSTOMER FEEDBACK BOX.' Na kung saan doon sana ihuhulog ng mga commuters ang kanilang mga suhestiyon, komento o hinaing tungkol sa serbisyo ng LRT (Light Rail Transit).

Ngunit imbes na mga papel ang nakalaglag sa loob ng transparent na kahon ay hinulugan ito ng mga barya at perang papel ng mga commuters.

Tila hindi talaga nagbabasa ng maigi ang ating mga kababayan at ang pagkakamali ng isa ay sinundan pa ng ilan. Napatunayan lamang na ang reading comprehension ng mga Pinoy ay mababa kaya naman madalas ay nagdudulot ito ng kapalpakan. 

Sabi ng ilang netizens na nakakahiya ang pag-uugaling ganito dahil tila lumalabas na makikitid ang utak ng mga Pinoy. Lalo na't napakalinaw naman ng nakasulat na print pero ipinagsawalang bahala lamang nila ito.

Pabirong sabi naman ng isang netizen na maglalagay rin daw siya ng ganito sa kanilang bahay dahil maganda raw itong pagkakitaan. 

Sa totoo lang, kung sanang marunong umintindi at marunong sumunod ang ating mga kababayan ay maiiwasan ang pagsablay kahit sa mga maliliit na bagay. Pero kung patuloy na lang talaga nilang ginagawa ito ay hindi talaga aasenso ang ating bansa.

Source: Facebook

Comments

Popular posts from this blog

Tumangging Isakay ang Isang Pamilya ng mga Aeta ng Isang Kilalang Bus Line na Ito Noong Bago Mag-Pasko

Isang Ama Hindi Mabilhan Ng Bagong Bag Ang Kanyang Anak, Sa Halip Pinagtahi Niya Ito Na Kinamangha Ng Mga Netizens

Lalaki Natagpuan Ang Napakaraming Pera Sa Gilid Ng Pinto Ng Kanyang 2nd Hand Na Kotse

Tawang-tawa Ang Amo Sa Kanyang Alagang Aso Matapos Matagpuan Ang Isang Pustiso Sa Kanilang Bakuran

Tinulungan Ng Mga Netizens Ang Isang Tatay Na Nagtitinda Ng Okra At Nakatira Lamang Sa Isang Tricycle Sa Bangketa