Dating Aktres na si Thalia na Gumanap na Marimar, Ito na ang Buhay Niya Ngayon! Maganda Pa rin at Walang Pinagbago!




Noong dekada ’90 ay nauso ang mga Mexican drama sa telebisyon na talaga namang inabangan ng mga manonood saan man sa mundo. Halos lahat ay nakatutok sa kani-kanilang telebisyon lalo pa at noon ay wala namang Youtube kung saan pwede mong mapanood ang mga eksena kapag ito ay nakaligtaan mo.

Ang ilan ay dumarayo pa sa kanilang mga kapitbahay upang makinood ng mga palabas na ito kaya talagang naging parte na ito ng araw ng mga manonood. 

Ang Marimar ay isa sa mga pinaka-tinangkilikan na palabas noong mga panahong iyon. Ito ay kwento ng isang maganda ngunit simpleng babae na namumuhay nang payak kasama ang kanyang lolo, lola at pinakamamahal na asong si Fulgoso. 




Ang aktres na gumanap bilang Marimar ay si Ariadna Thalia Sodi Miranda na ngayon ay 48 taong gulang na at dahil sa Marimar, namayagpag ang kasikatan nito hindi lamang sa Mexico kundi maging sa buong mundo. 


Nagbigay daan ito sa ilan pang mga palabas na pinagbidahan nito kagaya ng Rosalinda, Maria La Del Barrio at Maria Mercedes. 



Maliban pa sa kahusayan nito sa pag-arte ay magaling rin itong sumayaw at kumanta, kaya naman hindi na kataka-taka na pinangarap ito ng mga kalalakihan at naging inspirasyon ng mga kababaihan. Siya ay isa sa mga pinaka-impluwensyal na Mexicana bilang “best-paid telenovela actress” noong kapanahunan nito at tinagurian rin itong “Queen of Latin Pop” at “Queen of Telenovelas”.

Subalit nasaan na nga ba si Thalia? 



Ayon sa mga ibang report, sa kasalukuyan ay kasal na ito kay Tommy Mottola at sila ay nabiyayaan ng dalawang anak. Hindi na masyadong aktibo sa pag-arte si Thalia ngunit isa na rin itong producer at negosyante ngayon. 



Naging usap-usapan muli ang aktres nitong nakaraan sa ginanap na MET Gala dahil sa taglay nitong kagandahan habang suot ang isang Tommy Hilfiger na gown. 


Nakatawag ito ng pansin ng gabing iyon, na siyang labis na kinahangaan ng mga fans nito, dahil sa edad nito ay napanatili nitong maganda ang mukha at pangangatawan. 



Halos wala talagang pinagbago ang aktres kahit ilang taon na ang lumipas at wala ring mag-aakala na ito ay nagsilang na ng dalawang anak. Isang perpektong halimbawa si Thalia ng mga babaeng may mga katangian na kung tawagin ay “classic beauty” dahil makikita namang hindi talaga kumukupas ang taglay nitong natural na kagandahan.


Comments

Popular posts from this blog

Lalaki, Nagsuot ng Mascot Costume Upang Surpresahin ang Nobya Ngunit Siya ang Nasurpresa

Isosorpresa Dapat Ng Lalaking Ito Ang Kanyang Nobya Sa Kanyang Birthday, Pero Mas Nasorpresa Siya Nang Mahuli Niyang May Kayakap Itong Iba

Hinangaan Ang Isang Ama Na Security Guard Na Kasama Ang Kanyang Anak Sa Duty Para Maalagaan

Pinoy Matapang Na Ipinagtanggol Ang Isang Delivery Man Dahil Sa Ginawa Ng Isang Babaeng Chinese

Magandang Foreigner Na-inlove Sa Isang Pinoy Tricycle Driver At Ngayon Ay Kanya Nang Asawa