Free Food to All, Isang carinderia sa Batangas Namigay ng Libreng Pagkain Para sa mga Taga-Taal!




Maraming residente ng Batangas at kalapit lalawigan na malapit sa bulkan Taal ang naapektuhan matapos itong magbuga ng abo.Kaya naman nagbayanihan na ang ilang mga residente. Ang iba ay tumulong sa pamamagitan ng pagsasaboy ng tubig sa windshield ng mga dumaraan na sasakyan. Habang ang iba naman ay namigay ng libreng face mask dahil sa sa hindi magandang dala ng abo ng bulkan Taal.

Ang iba nating mga kababayan naman ay tumulong sa pagpapamigay ng isang carinderia ngayon sa may Manghinao, Bauan, Batangas kung saan namigay sila ng libreng pagkain para sa mga apektadong residente. Ayon kay netizen Angel Efryl Castillo, namimigay sila ngayon ng mga pagkain dahil maraming residente ang apektado. Dinagsa naman ng maraming evacuees ang kainan.





Lahat ng mga tindahan doon ay sarado na dahil sa makapal na abo. Nahihirapan ng maghanap ang mga residente doon ng mapagbibilhang pagkain. Nagpasalamat naman si Angel sa mga taong nagbigay rin ng pera, tubig at mga pagkain. Hanggang ngayon ay may ilan pang residente ang hindi pa naiilikas sa ligtas na lugar. Hindi maganda sa katawan ng tao ang hangin na nalalanghap lalo na kapag mahina ang baga dahil sa abo ng bulkan Taal.

Sa tulong ng pamilya ni Angel ay maraming residente na lumikas doon ang nakakain ng libre. Ayon kay Angel ito daw ang kanilang maliit na paraan upang matulungan ang mga kapwa Batangenyo sa pagbangon muli sa dinulot na pagbuga ng abo ng bulking Taal. Naisip daw nila itong gawin upang makatulong kahit sa maliit na paraan.  Umani ng papuri ang pagmamalasakit nila Angel at kanyang pamilya. Ang kanyang post ay umabot na ng 55,000 shares at 55,000 reactions.

Comments

Popular posts from this blog

Tumangging Isakay ang Isang Pamilya ng mga Aeta ng Isang Kilalang Bus Line na Ito Noong Bago Mag-Pasko

Isang Ama Hindi Mabilhan Ng Bagong Bag Ang Kanyang Anak, Sa Halip Pinagtahi Niya Ito Na Kinamangha Ng Mga Netizens

Lalaki Natagpuan Ang Napakaraming Pera Sa Gilid Ng Pinto Ng Kanyang 2nd Hand Na Kotse

Tawang-tawa Ang Amo Sa Kanyang Alagang Aso Matapos Matagpuan Ang Isang Pustiso Sa Kanilang Bakuran

Tinulungan Ng Mga Netizens Ang Isang Tatay Na Nagtitinda Ng Okra At Nakatira Lamang Sa Isang Tricycle Sa Bangketa