Gwapo At Machong Tindero Ng Karne, Kinakiligan Ng Mga Netizens



Isang lalaki na tindero ng karne sa Pasig City ang nag-viral at kinakiligan sa social media. Napansin ang kanyang poging itsura at machong pangangatawan habang siya ay nasa palengke at nanghihiwa ng mga karneng baboy.

Ibinihagi sa Facebook page na Bob Ong Quotes ang larawan ng lalaki na mayroong caption na,

"Namalengke ako sa Pasig Market! Shuta sino ito Meat Vendor na napaka pogi sa Pasig Market! Siya na ata ang 2020 ko! #Meatvendorsearch sa pasig market yata ako araw-araw."

Nakilala naman ang viral na gwapong lalaki bilang si Albert Bordeos, isang basketball player ng University of Santo Tomas. 

Ayon sa ulat ng spin.ph, nagulat rin si Bordeos na isang araw nalaman na lamang niya na pinaghahanap siya ng mga tao dahil sa viral na post. 

Ayon sa kanya, family business nila ang pagtitinda ng mga karne sa palengke at wala siyang ikinahihiya dahil iyon ang bumubuhay sa kanilang pamilya. Sa mga oras na wala siyang training ay umuuwi ang binata sa Pasig upang tumulong sa kanyang mga magulang na magtinda ng mga karne.

Kwento niya na ang biglaang pagsikat niya sa social media ay nakatulong sa kanilang family income  noong araw na iyon dahil naubos ang kanilang panindang baboy.

Hinangaan naman siya ng mga netizens dahil sa kanyang kasipagan na tumulong sa kanyang mga magulang sa pagtitinda. Mayroon namang mga netizens na kinilig at nagnanais na makita nila ang viral na meat vendor na ito kapag sila ay mamamalengke sa Pasig Market.

Narito ang kanilang ilang nakakatuwang komento.

"Infairness kapogi nga naman."

"Sana all gwapo."

"Yan yung mga taong nakakabilib eh. Full package talaga. Pogi na, matalino, at masipag pa,, nagmemeat vendor para pangdagdag tuition din niya."

"Hindi kasi lahat ng pogi or maganda nag aartista, un iba talaga nasa palengke ng Pasig."

Pabirong komento naman ng isang netizen,

"Kahit botcha tinda nito mapapabili kapa din, marupok ka ih."

Source: Facebookspin.ph

Comments

  1. Pag pogi pinopost agad sa facebook. Pano naman ang mga pangit? Wala lang??

    ReplyDelete

Post a comment

Popular posts from this blog

Lalaki, Nagsuot ng Mascot Costume Upang Surpresahin ang Nobya Ngunit Siya ang Nasurpresa

Isosorpresa Dapat Ng Lalaking Ito Ang Kanyang Nobya Sa Kanyang Birthday, Pero Mas Nasorpresa Siya Nang Mahuli Niyang May Kayakap Itong Iba

Hinangaan Ang Isang Ama Na Security Guard Na Kasama Ang Kanyang Anak Sa Duty Para Maalagaan

Pinoy Matapang Na Ipinagtanggol Ang Isang Delivery Man Dahil Sa Ginawa Ng Isang Babaeng Chinese

Magandang Foreigner Na-inlove Sa Isang Pinoy Tricycle Driver At Ngayon Ay Kanya Nang Asawa