Hinalungkat ng mga Crew ang Basurahan ng Restaurant na Ito Matapos Mawala ng Customer ang Kaniyang Singsing




Maraming bagay ang dapat isaalang-alang sa pagsisimula ng negosyo lalo na kung ito ay isang kainan. Nariyan ang pagsisigurong masarap at malinis ang mga pagkain na ating inihahain pati na rin ang lugar na gagamitin ng ating mga customers. Mahalaga rin na alam natin kung papaano ang tamang pakikitungo sa kanila upang madama nila ang ating pagpapahalaga sa kanilang pagtatangkilik ng ating negosyo. Ngunit hanggang saan nga ba ang kaya nating gawin para magawa ang bagay na ito?

Sa isang restaurant sa Malaysia ay talaga namang naipakita ng mga crew kung gaano sila kaseryoso sa pagpapahalaga sa kanilang mga customer. Hindi nila alintana ang paghahalungkat sa napakaraming plastic ng mga basura para lang mahanap ang mahalagang bagay na naiwan ng customer sa kanilang kaninan.

Ang kwentong ito ay ibinahagi mismo ng customer na nakilalang si Daryl William Bridger sa kaniyang Facebook post. Kumain sila ng kaniyang asawa sa Fatty Crab restaurant noong ika-12 ng Enero at dahil napasarap sila sa pagkain ay tinanggal ng kaniyang asawa ang singsing nito.


"Today we had dinner at Fatty Crab. When we were on the way home, 30 minutes or so, my lovely wife realized that she left her ring on the table. It was a sentimental gift from her mom," paunang kwento ni Bridger.




Agad nilang binalikan ang lugar dahil mahalaga ang singsing at humingi sila ng tulong sa supervisor ng restaurant sa pagbabaka-sakaling mayroong nakakita nito habang naglilinis ng mesa. Nang marinig ito ng mga crew ay agad silang nagboluntaryo at tulong-tulong na naghanap sa buong paligid maging sa mga basurahan!


"I really couldn’t put into words how grateful I am for fatty crab’s crew. Half of the staffs went to search all the rubbish bins,” dagdag pa ni Bridger.

Nang makita nga ang singsing ay sabay-sabay na naghiyawan ang mga crew na parang sila ang may-ari nito. Agad nilang isinauli sa asawa ni Bridger ang singsing at hindi tinggap ang anumang pabuya na iniaalok ng mag-asawa sa katuwirang ginagawa lang nila ang kanilang mga tungkulin.




Talaga namang hindi matatawaran ang magandang pag-uugali ng mga crew sa Fatty Crab restaurant at isang patunay lang ito kung gaano kahalaga sa kanila ang pakikipagkapwa tao.

Comments

Popular posts from this blog

Pinoy Matapang Na Ipinagtanggol Ang Isang Delivery Man Dahil Sa Ginawa Ng Isang Babaeng Chinese

Magkapatid, Iniwan at Di Na Binalikan Ng Kanilang Ina Na Ang Sabi Ay Bibili Lang Ng Payong

Batang Walang Computer, Hinahayaang Makigamit Ng Tab Sa Isang Gadget Store Para Makagawa Ng Assignment

College Student Ibinahagi Kung Paano Niya Pinagkakasya Ang 20 Pesos Na Allowance Niya Araw-araw Hanggang Nakagraduate Siya

Maraming Netizens Ang Na-Touched Sa Viral Photo Ng Isang Matandang Nakatulog Sa Bangketa Habang Nagtitinda Ng Saging