Hindi Inakala ng Babae na Proposal Letter Pala ang Ipinatago ng Kaniyang Boyfriend na Isinulat Niya 8 Years Ago



Iba't iba ang paraan ng mga kalalakihan kung papaano nila makukuha ang loob ng babae na kanilang napupusuan. Ang ilan sa kanila ay idinadaan ang panliligaw sa pagbibigay ng mga bagay na gusto ng babae samantalang ang iba naman ay idinadaan sa isang liham ang mga salitang hindi nila masabi ng harapan. Ganoon pa man, ang tanging epektibo sa lahat ay ang pagpapakita ng tamang motibo sa lahat ng iyong ginagawa dahil ramdam ng mga kababaihan kung seryoso ba talaga ang kanilang manliigaw. 

Nakakatuwa ngang isipin dahil sa dinami-dami ng tao sa mundo ay mayroon tayong magkakaibang kwento ng pag-ibig kagaya na lamang ng kakaibang kwento ng netizen na si Clarizel Bautista Daruca. 

Sa kaniyang viral post sa Facebook ay ibinahagi niya kung papaano naging kakaiba ang wedding proposal sa kaniya ng kasintahan dahil lamang sa isang liham na ibinigay nito pitong taon na ang nakakalipas. 




"...January 4, 2012, he wrote a letter and ask me a favor to keep it in place na maalala ko agad pag hiningi nya at wag ko daw bubukas hanggat hindi nya hinihingi. And nagpromise ako sakanya na hindi ko bubuksan. Natatandaan ko pa nang pinky promise pa kami (ung sa hinliliit ) So nilagay ko sya sa wallet ko na hindi ko ginagamit pero lagi kong dala sa bag," pagkukwento ng dalaga. 


Taong 2010 nang maging official ang kanilang relasyon bilang boyfriend at girlfriend. Simula noon ay mas lalo nilang nakilala ang isa't isa at naramdaman na sila na nga talaga ang magkakatuluyan hanggang sa huli. 

Kagaya ng maraming relasyon ay sinubok rin sila ng panahon at nagkaroon pa nga ng pagkakataon na maranasan ang "long distance relationship" noong taong 2018 nang magtrabaho sa Japan ang kasintahan ni Clarizel na si John Michael SoƱias Lontoc. Ganoon pa man hindi ito naging hadlang para masira ang kanilang relasyon at sa tulong na rin ng teknolohiya ay nakayanan nila ang malayo sa isa't isa. 


Taong 2019 ay umuwi nga ng Pilipinas si John para magbakasyon at pinaalalahanan niya ang kasintahan na ihanda nito ang liham na kaniyang ibinigay noon. 



Binuksan niya ito at bumungad sa kaniya ang mga katagang, “Bhe!!! Will you marry me???” 


Wala sa isip ni Clarizel na ito na pala ang pinakahihintay niyang wedding proposal ng binata na tinago sakaniya ng ilang taon. 

Buti na lamang at hindi raw niya ito binuksan noon at sumunod na lamang siya sa utos ng kaniyang boyfriend na itago lang muna ito. 


Lubos nga ang kasiyahan na nadarama ni Clarizel kaya naman hindi niya napigilang ibahagi ang masayang sandali ng kaniyang buhay sa social media. Nag-iwan rin siya ng ilang paalala at leksyon na natutunan niya sa 9 years nilang relasyon ni John. 



Lesson learned: 

ALWAYS TRUST YOUR PARTNER. Pag sinabi nilang wag iopen ang letter, wag iopen May right time para sa lahat. And wag natin ibreak ung promise natin, pag promise, PROMISE hindi natin kelangan lokohin sarili natin para sa lang sa curiosity


PATIENCE IS A VIRTUE. Tyaga lang guys, may plan si Papa Jesus para satin. Trust lang and have faith

Tiwala lang, dahil mayroong inilaan ang Diyos na tamang tao para sa atin na makakasama natin habang-buhay.

Comments

Popular posts from this blog

Tumangging Isakay ang Isang Pamilya ng mga Aeta ng Isang Kilalang Bus Line na Ito Noong Bago Mag-Pasko

Isang Ama Hindi Mabilhan Ng Bagong Bag Ang Kanyang Anak, Sa Halip Pinagtahi Niya Ito Na Kinamangha Ng Mga Netizens

Lalaki Natagpuan Ang Napakaraming Pera Sa Gilid Ng Pinto Ng Kanyang 2nd Hand Na Kotse

Tawang-tawa Ang Amo Sa Kanyang Alagang Aso Matapos Matagpuan Ang Isang Pustiso Sa Kanilang Bakuran

Tinulungan Ng Mga Netizens Ang Isang Tatay Na Nagtitinda Ng Okra At Nakatira Lamang Sa Isang Tricycle Sa Bangketa